Sunday, May 16, 2010

Batibot Opening Theme

click VIDEO to watch the opening theme of Batibot
thanks to beybies for the upload


Music by: Louie Ocampo
Lyrics by: Rene O. Villanueva
Arrangement by: Mel Villena
Ethnic Instrumentation: Kontemporaryong Gamelang
Pilipino (KONTRA-GAPI)
Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
sa Batibot,
sa Batibot
Tayo nang magpunta
tuklasin sa Batibot
ang tuwa, ang saya


Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
maliksi, masigla
(2x)


Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya


Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, masigla
(2x)

Ping your blog

Monday, May 3, 2010

Anong Paboritong Pagkain ni Pong Pagong???

(Copyright 1984 PCTVF)
Kaya mo bang hulaan kung ano ito?

Marahil ang mga bata ngayon ay hindi mahuhulaan kung ano ang nasa larawan. May magsasabi sigurong ito ay taniman ng palay o di kaya isipin pang ito ay damuhan o talahiban. Hindi na rin kasi makikita ang mga ganitong tanawin sa paligid ngayon lalu na kung nakatira ka sa lungsod. Wala nang ideya ang mga tao ngayon kung saan ito at kung ano ang mga itinatanim dito.

(Copyright 1984 PCTVF)

Sa tingin ko'y hindi ka nagtataka o napapaisip tungkol dito sa dahilang ikaw ay isa sa mga libu-libong batang lumaki sa panonood ng batibot. Malamang natutunan mo mula sa programang ito ang tungkol sa masustansyang gulay na siya ring paborito ni Pong Pagong--ang Kangkong.

(Copyright 1984 PCTVF)

Sa halos isang minuto (57 segundo), itinuro ng maiksing video na ito kung ano itong masustansyang gulay na ito, saan at paano ito tinatanim at inaani, at kung ano ang kahalagahan ng pagkain nito. Ganito ang pormat ng Batibot, dahil isinasaalang-alang ang maiksing attention span ng bawat bata, itinuturo nila ang isang konsepto sa abot na maaaring maintindihan ng isang bata.

(Copyright 1984 PCTVF)

Ang mga larawang ito ay hango sa isang video na nagmula sa multiply site ni Sir Augie Rivera. Kasama ng 1984 billboard opening ng Batibot, isa rin ito sa mga laman ng tape na naitabi ni Sir Augie.


Kung nais mapanood ang video na ito, pindutin lamang ang link na ito.

Ping your blog

Saturday, May 1, 2010

Ang Alamat ng Ampalaya ni Augie Rivera




Bilang isang guro, marami-rami na ring mga kwentong pambata ang aking naisalaysay sa aking klase. Palibhasa'y ang tinuturuan ko ay mga bata (2 1/2 hanggang 5 1/2 taong gulang) at dahil "namulat ang aking mga mata" sa dekalidad na mga pambatang programa tulad ng Batibot, hinahanap hanap ko ang mga kwentong di nalalayo dito.

Natatandaan pa ba ninyo ang Alamat ng Ampalaya? Kung paano ninakaw ng isang di kilalang nilalang ang kulay ng lahat ng gulay na nakitra sa isang baryo? At dahil sa matinding kasakiman, imbis na lalu pang maging maganda ay kumulubot ang kanyang balat at naghalu-halo lahat ng kanyang mga ninakaw na kulay at nagmukhang isang kakaibang gulay? Ito ang naging unang-unang ampalaya. Dahil sa kanyang inggit sa bawat magagandang katangian ng bawat gulay na kanyang kapitbahay, natulak itong gumawa ng isang hindi kaaya-ayang gawa.

Bukod sa Alamat ng Ampalaya, malamang ay pamilyar rin sa inyo ang alamat tungkol sa isang batang para masunod lamang ang gusto ay walang pag-aatubiling papalahaw ng iyak. Dahil sa kanyang ganitong pag-uugali, kinaiinisan siya ng lahat ng kanilang kapitbahay. Paano ba naman ay walang pinipiling oras ang kanyang pagpalahaw. Kahit sa kalaliman ng gabi o sa madaling araw ay umiiyak ito para lamang mapagbigyan ang gusto. Isang araw, hindi na nakatiis pa ang isang diwata ang pinarusahan siya at ginawang isang sibuyas.

Ang mga kwentong ito ay mula sa panulat ng isang bantog at batikang manunulat na si Ginoong Augie Rivera. Iilan lamang ang mga alamat na ito sa kanyang mga obra maestra. Si Ginoong Rivera ay isa sa mga nagtatag ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING), isang samahan ng mga manunulat ng kwentong pambata. Siya rin ang punong tagapanulat ng Batibot, ang ating pinakamamahal na pambatang palabas.


(Si G. Augie Rivera ang nasa kaliwa)

Kanina, habang ako ay nagpapatuloy sa paghahanap ng aking maaaring gawing akda para sa aking blog na ito, ako ay pinalad na matuklasan ang isang multiply site na may video ng opening billboard ng unang season ng Batibot noong 1984.

(click VIDEO to watch)

Credits:
Lyrics by Rene O. Villanueva
Music by Louie Ocampo
Copyright: Philippine Children's Television Foundation Inc.

Dito nakalahad ang personal na kwento ni Sir Augie kung papaano niya naisalba ang tape na naglalaman ng isa sa mga lumang opening ng Batibot. Sa loob ng isang minuto at tatlumpu't siyam na segundo ay tiyak na makakalimutan mo ang kasalukuyan. Kapansin pansin sa dami ng mga komento sa akdang ito na halos lahat ay lubos lubos ang pasasalamat sa pagkakataong muling masilayan ang palabas. Lahat ay napabaliktanaw sa kanilang pagkabata at hindi naiwasang malungkot at maiyak dahil sa tindi ng nostalgiang naramdaman.


Kung nais ninyong mapanood ang video ng opening billboard na ito at masilayan ang orhinal na akda ni Ginoong Augie Rivera, pindutin lamang ang link sa ibaba ng larawan.


Habang tayo'y naghihintay sa pagbabalik ng ating pinakapaboritong palabas, nawa'y makapaghatid ng ligaya ang maikling video na ito!


Mabuhay ang Batibot!





Inspired by Sir Rev's Artwork

"ako ay isang...
...BATANG BATIBOT"

Nung nakaraang araw, gumawa ako ng isang akda tungkol sa isang artist na nagngangalang Rev Cruz. Nakita ko ang isa sa kanyang mga gawa nang ako ay maghanap ng mga larawan ng mga popular at di gaanong popular na tauhan ng Batibot.

Dahil naisipan kong ilagay ang kanyang mga obra sa aking blog, nagkusa akong sulatan siya ng email at humingi ng permiso kung maaari kong gamitin ang ilan sa kanyang mga larawan. Hindi ko sukat akalain na maglalaan siya ng oras upang magbigay ng tugon sa aking kahilingan. Nagpadala din siya sakin ng email at nakasaad dito na nakita raw niya ang blog ko. Nakakataba daw ng puso na siya ay ma-ifeature dito. Ibinigay din niya sa akin ang pahintulot na ilagay sa aking blog ang ilan sa kanyang mga gawa upang maibahagi ko rin sa iba.


Sa aking lubos na paghanga, hindi ako matapos tapos tingnan ang mga larawan sa kanyang galleries sa deviantart. com at sa flicker. "Kung makakapagdrawing lang din sana ako ng ganito.." Naisip ko, bakit nga ba hindi ko subukang gumuhit ng kung ano lamang ang abot ng aking kaya.

Dahil ako ay isang masugid na taga-hanga ng Batibot, ginuhit ko ang "aking" sarili (pero mas cute naman ang kinalabasan ng drawing kaysa sa pinagkopyahan..hehe) at isinulat ko sa ibaba ang mga katagang "ako ay isang batang batibot".

Malayong malayo sa mga likha ni Sir Rev ang aking naiguhit pero natuwa na rin ako. Habang gumuguhit ako ay tila nagbalik ako sa nakaraan. Para akong isang batang labis ang tuwa habang nagkukulay. Naalala ko tuloy na nung ako ay nasa gradeschool wala akong ibang ginuguhit sa art class kundi bahay kubo.

Marami pa akong naiguhit matapos nito. Sa sobrang pagkaaliw ko nga ay napagana ko ang aking imahinasyon ng higit pa sa aking inaakala. Masaya talagang pa minsan minsa'y bumalik sa pagkabata o sa mga masasayang araw na nagdaan. Sa pamamagitan nito, kahit papaano ay magkakaroon ka ng pagkakataon na makalimutan ang ilang hirap at pait ng kasalukuyan.


Ping your blog

An Artist Named Rev Cruz

It's already 1:20 in the morning and I still can't keep myself from blogging about Batibot. I have been working on my blog for almost 6 hours now but boy, I didn't know I am in for more treats. As I was searching for images of some batibot characters who were not as "popular" (ironic right?!) as Pong Pagong and Kiko Matsing, I found this:


A very talented man in the name of "Rev Cruz" or Christian Oliver Cruz made this very wonderful piece of art. You'll never stop browsing through his gallery once you see it because of his countless artworks that are all certified breathtaking. If you are into the "arts" you'll probably wish that you had the same set of hands (and creative mind) that Rev (first name basis?) has. If you are on the other side of the fence, I bet you'll make the very same wish as well.


If you look closely at the picture, you'll be able to read what it says...



Too bad, Pong Pagong was taken away from us by the evil people from Sesame Street (huhu...)... Who could forget the husky voice of Kiko Matsing (I always fail to ask my speech pathology friends about his voice...)

(Between Pong and Kiko) A friend of mine always thought that Kiko's eyes were real eggs! Hehe...

(At the bottom) When will we see these two beloved characters of my Filipino generation again? If I become rich enough, I'll buy the rights for these two!!!



This part of the picture says:

Jose Rizal wrote a parable about the turtle/tortoise and a monkey (pagong at Matsing)... It also turns out tobe on of the earliest known Filipino comic strip! These two characters would also inspire two of my most beloved icons from childhood! Pong Pagong and Kiko Matsing!

First figure of Pong from the left says:

neck can extend to more than 3 feet, I think...

*QUESTION: Ever wonder why Pong's other hand doesn't move, as if he had a stroke or something?

*Answer: Limits of one-man puppetry. (refer to the illustration on the farthest right)

The figure in the middle says:

will only elongate when he's excited!! WIIIII!!!

Impressed??? Mr. Rev Cruz has a website that surely you will love to browse. His website is revcruz.deviantart.com . He not only has hand drawn comic strips and sketches but he also has a lot of pictures from his travels and random events in his daily life. I guess, he also illustrates for children's books.

Here's a preview of his gallery:





These are just some of his works that, I admit, I wasn't able to give justice. But for your curiosity and pleasure here are the links to his galleries:



Deviantart.com galleries:

1

2 (illustration designs)

3 (layout designs)


Flickr.com sets:
1 (Ang INK illustrations)

2 (INK's tribute to the late Rene O. Villanueva)

3 (The 26th Annual Children's Book Day Celebrations)


I hope this inspired your artistic side! Enjoy your day! =)

Ping your blog

Batibot Petition


The power of Batibot really amazes me! Even up to now parents, who were the very same little tots who used to sit in front of their tv's waiting for this show to start, started a petition just to bring back their favorite tv program.


I have seen countless threads, forums and blog sites with discussions and posts all about Batibot. Nostalgia is the word that never fails to be mentioned once the topic is this show. Some even boast about their favorite Batibot characters. Some challenge one another by citing their most unforgettable Batibot song/s or episode/s. Of course, the names Kuya Bodjie and Ate Sienna were always, and will always be, mentioned. And the theme song of the program became the national anthem of all the Batibot kids of the past.


Here's what's stated in the petition:


To: Concerned Personalities and Networks
The "Ibalik ang Batibot" Petition

Kami, mga Filipinong magulang, sa ngalan ng mga makakapangyarihan, upang
magkaroon ng mga mabubuti, masunurin, magalang, mabilog, matalino at tunay na
mga Filipinong anak at kabataan ay nangingiusap sa kung sino mang may awtoridad
na muling ibalik ang Batibot sa telebisyon.

Nais naming magkaroon ng alternatibong palabas ang aming mga anak, sapagkat
sila ay nagiging sobrang pasaway sa kapapanood ng kung anu-anong cartoons na
karaniwan ay banyaga. Kung hindi Amerikano ay Hapon.

Wala pong natutunan ang aming mga anak sa ganiyang mga uri ng palatuntunin
(I guess, he committed a type. He meant "palatuntunan".) .

Ang Batibot po ang tanging makapgtuturo sa ating mga kabataan kung ano ang
"value" ng pagiging isang tunay na kabataang Pilipinong bata.

Kung ang posibilidad na maibalik ang palabas na ito ay maliit, nais po sana
naming irequest kung sino man ang may hawak ng kopya ng mga "episode" na ito na
i-release ang mga kinauukulang "episode" sa public domain sa isang lisensiyang
makakapagbigay ng mas malawak na distribusyon nito ng walang kahit ano pa mang
restriksyon ukol sa pamamahagi nito.

Maraming Salamat Po

Sincerely,

The Undersigned

So far, this petition got only 26 signatures. I tried to verify the date when this petitioned was made but to no avail. The good news though is the very purpose of this "Ibalik and Batibot Petition" is certainly not in vain. Ngayon, masasabi na talaga nating "pag mulat ng mata (ang) langit nakatawa" at pati tayo nakatawa dahil muling magbabalik ang ating mahal na programa.


I can't imagine myself on the premiere airing of this show. It will surely be an exciting and definitely a very nostalgic trip down memory lane.


(To see the actual petition, just click the link.)

Ping your blog