link: click VIDEO to watch their reunion
thanks to oldvideoss for the upload
Isa ka ba sa mga kinilig sa kanila? Ang panahon ng 80's ay isa sa mga dekadang tinilian at minahal ang mga nabuong love teams. Isa na rito ang tambalan nina Aga Muhlach at Janice De Belen. Sino naman ba ang hindi mahuhulog sa mga cute na dimples ni Aga? Samantalang ang kakaibang ganda naman ni Janice ang kinahalinahan sa kanya ng mga gwapong binatang nakapaligid sa kanya.
Napanood ko pa ang Erpats Kong Forget sa mga cable channels sa TV. Di mo nga naman maitatanggi ang chemistry nang pareha ni Aga at Janice. Para sa akin ang ganda ng pelikula noong araw ay hindi lamang dahil sa ganda ng kaledad nito, mga gintong aral na nais ibahagi sa mga manonood at angking galing ng mga artistang nagsisiganap kundi nasa pagiging "natural" ng mga ito sa kanilang mga ginagampanang karakter.
Maraming pinagsamahang pelikula sina Janice at Aga. Ang kanilang on-screen romance ay naging off-screen din. Nagkaroon sila ng iisang anak na ngayon ay pamilyado na rin at isang chef tulad ng mommy nya. Ayon sa aking mga nabasa kaya raw hindi nagkatuluyan ang dalawa ay dahil sa maraming tumutol sa kanilang relasyon dahil na rin siguro sa naging sitwasyon nila (ang maagang pagbubuntis ni Janice) at dahil na rin sa lubhang bata pa sila para magpamilya. May nagsasabing ninais daw noon na balikan ni Aga si Janice pero dahil maganda ang karerang hinaharap nito, pinigilan daw ang binata ng kaniyang mga kaanak.
Makalipas ang maraming taon, dahil sa isang interview na kailangang gawin Janice para sa S Files, nagkaharap ulit sila ni Aga. Panoorin natin ang kanilang muling pagkikita at tiyak kong kahit hindi ka nila tagahanga ay kikiligin ka sa kanilang muling pagtatagpo.
Photos courtesy of: video48 and all stars pics
Ping your blog
No comments:
Post a Comment