...BATANG BATIBOT"
Nung nakaraang araw, gumawa ako ng isang akda tungkol sa isang artist na nagngangalang Rev Cruz. Nakita ko ang isa sa kanyang mga gawa nang ako ay maghanap ng mga larawan ng mga popular at di gaanong popular na tauhan ng Batibot.
Dahil naisipan kong ilagay ang kanyang mga obra sa aking blog, nagkusa akong sulatan siya ng email at humingi ng permiso kung maaari kong gamitin ang ilan sa kanyang mga larawan. Hindi ko sukat akalain na maglalaan siya ng oras upang magbigay ng tugon sa aking kahilingan. Nagpadala din siya sakin ng email at nakasaad dito na nakita raw niya ang blog ko. Nakakataba daw ng puso na siya ay ma-ifeature dito. Ibinigay din niya sa akin ang pahintulot na ilagay sa aking blog ang ilan sa kanyang mga gawa upang maibahagi ko rin sa iba.
Sa aking lubos na paghanga, hindi ako matapos tapos tingnan ang mga larawan sa kanyang galleries sa deviantart. com at sa flicker. "Kung makakapagdrawing lang din sana ako ng ganito.." Naisip ko, bakit nga ba hindi ko subukang gumuhit ng kung ano lamang ang abot ng aking kaya.
Dahil ako ay isang masugid na taga-hanga ng Batibot, ginuhit ko ang "aking" sarili (pero mas cute naman ang kinalabasan ng drawing kaysa sa pinagkopyahan..hehe) at isinulat ko sa ibaba ang mga katagang "ako ay isang batang batibot".
Malayong malayo sa mga likha ni Sir Rev ang aking naiguhit pero natuwa na rin ako. Habang gumuguhit ako ay tila nagbalik ako sa nakaraan. Para akong isang batang labis ang tuwa habang nagkukulay. Naalala ko tuloy na nung ako ay nasa gradeschool wala akong ibang ginuguhit sa art class kundi bahay kubo.
Marami pa akong naiguhit matapos nito. Sa sobrang pagkaaliw ko nga ay napagana ko ang aking imahinasyon ng higit pa sa aking inaakala. Masaya talagang pa minsan minsa'y bumalik sa pagkabata o sa mga masasayang araw na nagdaan. Sa pamamagitan nito, kahit papaano ay magkakaroon ka ng pagkakataon na makalimutan ang ilang hirap at pait ng kasalukuyan.
Ping your blog
Ping your blog
No comments:
Post a Comment