link: click TRAILER to watch
Ang Pelikulang ito ay unang ipinalabas noong 1987 sa pangunguna ng batikang aktor na si Dolphy. Sino ba ang hindi mapapamahal kay Tatay Puga (Doplhy)? Si Puga ay isang tikbalang mula sa mundo ng mga lamang lupa na napadpad sa mundo ng mga tao na naglalayong hanapin ang kristal, ang simbulo ng katahimikan sa mundo ng mga lamang lupa pati na sa mundo ng mga tao. Dito niya unang nakadaupang palad sina Rommel (Richard Gomez), Benny (Anjoy Yllana) at Lally (Chuckie Dreyfuss). Wala namang ibang nais si Rommel kundi ang mapasagot si Gwen (Janice De Belen) na siya ring iniibig ni Benny. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nadukot si Gwen mula sa ating mundo ng mga hindi kilalang nilalang. Ang mga nilalang na ito ay ang mga anatala na kampon ni Reyna Kamkam (Gloria Romero) at Panginoong Bangurngor (E.A. Rocha)na siyang nagdudulot ng gulo sa magkabilang mundo dahil sa pagkawala ng kristal. Sa mundo ng mga lamang lupa ay may mga natatanging kapangyarihan sila Rommel dahil sa Batas ng Dapo.
Ang naibibigay na saya nito ay tuwing mag-aasal kabayo si Puga dahil sa isang palakpak. Hindi niya ito mapigilan at bigla na lamang ito sisipa o di kaya'y kakain ng damo. Sa mundo ng mga laman lupa natagpuan si Gwen na bihag bihag ni Reyna Kamkam. Tumindi pa ang mga eksena ng tumulong ang mga rebelde sa pamumno ni Bakal (Joel Torre)na talunin si Panginoong Bangurngor at Reyna Kamkam. Sa lungkot ni Rommel at Benny ay hindi nila naisama pabalik sa mundo ng mga tao si Gwen dahil pinili nitong manatili sa mundo ng mga lamang lupa upang mapanatili ang katahimikan at upang makasa si Bakal. Dahil sa mahiwagang prutas na nakuha ni Benny ay napagaling nito ang kaniyang lola (Chichay) na may malubhang sakit. Sa di inaasahang pagkakataon ay nakakilala ng magandang babae si Rommel (Snooky) habang nagtatrabaho sa cashier (Cindy's).
Hindi matatawaran ang ganda ng pelikulang ito. May mga nagsasabing kopya lamang daw ito sa mga dayuhang pelikula tulad ng Never Ending Story at ibp ngunit sa aking pananaw natatangi ang ibinigay ni Peque Gallaga na lasa sa pelikulang ito. Kapanapanabik, katawatawa, kamangmangha ang bawat eksena ng pelikulang ito.
Ping your blog
link: Roninie! Hi Ronnie Ricketts!!
No comments:
Post a Comment