
thanks to charmerjay for the upload
link: click VIDEO to watch the original 1958 movie
thanks to jotiv69 for the movie upload
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Lola Basyang? Nakakatawang isipin na halos hindi na maihawalay ang katauhan ni Chichay sa kanyang karakter na ginanapan sa pelikula-- si Lola Basyang. Isang karakter na tumatak sa halos lahat ng isipan ng mga batang nabuhay sa dekada otsenta. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw noong 80s. Pag-uwi ko sa eskwela ay inihahatid kami ng aking tito sa bahay ng aming lola sa Tandang Sora. At dahil tanghali, wala kaming ibang inaabutan sa telebisyon kundi ang mga palabas tungkol sa drama o mga palabas na pinoy na pinoy. Hindi pa kasi uso ang cable noon. Ang pelikulang ito ay tiyak na nakakapagpaluha at nakakapagpatawa sa akin. Nakakapagpaiyak dahil iba ang saya at sarap ng buhay noong dekada otsenta na di hamak na malayong malayo na sa panahon ngayon. At nakakapagpatawa dahil sa mga alalaa noong ako'y bata pa.
source: Sari-Saring Sineng Pinoy

Ang ikalawang kwento ay ang "Zombies" na pinangunahan nila Maricel Soriano at William Martinez. Tulad ng kanilang pangkaraniwang roles, away bati silang dalawa sa kwentong ito. Sa pagmamarunong ni Mike (William), naligaw tuloy sila nila Cathy (Maricel) at Sheila (Manilyn) sa isang mansiyon na tila minumulto. Dahil komedya at katatawanan ang isa sa mga "forte" ng pares na ito, hindi ako nabigo sa panonood. Hindi ka ba naman maaliw sa katarayan ni Cathy, kaartehan ng ingleserang si Sheila at sa mapagpasensya ngunit makulit na si Mike?

Hay, hindi ko na maibabalik ang panahon. Ngunit ang palabas na ito ay isang mabisang instrumento upang makita ko muli ang nakaraan. Sana ay gumawa pa ulit ng ganitong klase ng pelikula. Hindi lang ito nakakaaliw, kapupulutan pa ito ng aral.
Ping your blog
i have a dvd copy of this along with alice dixson's dyesebel, snooky serna's blusang itim...etc....
ReplyDeleteHi do you still have a copy of this movie? 1985. tnx....
Deletei hope you upload the 1985 version in youtube.. i have been dying to watch it again... pleeeeessss....
DeleteHope someone can upload this video
ReplyDeleteI uploaded the full 1st episode- sleeping beauty via YouTube.
ReplyDeleteWow! Thank you for your upload ynnus!!! :)
Delete