Wednesday, January 20, 2010

Pardina At Ang Mga Duwende

link: click VIDEO to watch
thanks to MzLiz621 for the upload
Hindi naman ako avid fan ni Sherly Cruz pero ang mga pelikula niya ay hindi maiiwasanang mapanood noong 80's. Bata pa ako noon para sabihin kong idol ko siya pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagagandahan sa ilang mga pelikula niya. Isa na rito ang Pardina.

Talagang tatak na ng industriya ng pelikulang pilipino noong 80's ang love teams. Si Sheryl ay naging sikat bilang kapareha ni Romnick Sarmenta. Marami silang pelikulnag kinabilangan at pinagbidahan noong araw. Isa na rito ang palabas na ito. Si Sheryl din ay kabilang sa "TRIPLETS" ng Regal kasama sina Manilyn Reynes at Tina Paner. Lahat sila ay kabilang din sa pinakasikat na youth-oriented show noon na "That's Entertainment".

Ginanapan dito ni Sheryl ang papel ni Pardina na nakakilala at nainlove sa isang duwende na si Dino (Romnick). Nadito rin ang cute na cute na si Billy Joe. Nandito rin sina Ian Veneracion (Felino), Jennifer Sevilla (Lyka), Ike Lozada (Celestino) at marami pang iba.
Matagal na rin nang huli kong mapanood ang palabas na ito. Bukod sa wala kaming CinemaOne, mahirap din humanap ng buongvideo nito sa internet. Ang naaalala ko na lang sa palabas na ito ay (siyempre) na-inlove si Pardina kay Dino. Ngunit napakalaking hadlang ang kaibahan ng kanilang mundo, si Pardina ay tao at si Dino naman ay duwende. Sa lugar ng mga duwende naroon si Felino (Ian Veneracion), isang duwende na may walang hanggang pag-ibig kay Lyka (Jennifer Sevilla) na wala namang ibang hangad kundi ang ibigin rin siya ni Dino. Hindi ko na matiyak kung si Celestino (Ike Lozada) ang gumanap na hari sa mundo ng mga duwende pero sigurado akong duwende siya. Nakakatuwa siyang mapanood bilang duwende dahil ang bilog bilog ng tiyan niya. Siyempre ang gwapo naman ni Felino at ang cute cute ni Billy Joe dito.

Masayang masaya akong makapanood ng ganitong klase ng pelikula. Sa hirap at kumplekado ng buhay ngayon, talagang stress-reliever ang ganitong uri ng palabas. Hindi ko alam kung biased lang ako pero maging ang mga pelikula ngayon ay hindi makapagbigay ng tuwa at saya na ibinigay ng mga pelikula at palabas noong 80's. Napakainam na pamatid nostalgia ng mga pelikulang gaya nito.


Ping your blog

5 comments:

  1. i also account like this in facebook....add movie marathon and ull see all my hard to find 80's titles....may mga kulang din and isa na itong pardina...anyone interested to swap this one with my titles? my email add sa facebook is morichuck@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. i love 80's thats why kung sino man ang meron pang mga hard to find 80's classics nina snooky serna, maricel etc...pls let me know thru my email morichuck@yahoo.com or add movie marathon in ur fb account to view all my availble lists of titles

    ReplyDelete
  3. reach me thru 09065225442 for 80's movie titles

    ReplyDelete
  4. Movie titles lang po ba meron kau nunh 80's. Hoe about full movirs po nina romnick at sheryl? Ang hirap po maghanap ng movie nla onlinr halos lht wla tlga lumalabas.san kya aq pwede makabili ng cd or dvd pra lng mapanood q mga movies nla.or anong website kya pwede q panooran? Please help me pi

    ReplyDelete
  5. Movie titles lang po ba meron kau nunh 80's. Hoe about full movirs po nina romnick at sheryl? Ang hirap po maghanap ng movie nla onlinr halos lht wla tlga lumalabas.san kya aq pwede makabili ng cd or dvd pra lng mapanood q mga movies nla.or anong website kya pwede q panooran? Please help me pi

    ReplyDelete