Wednesday, December 30, 2009

Ora Engkantada


Kung ikaw ay ipinanganak noong 80's at hilig mo ang manood ng tv, alam mong maraming magagandang pilipinong palabas noon. Mapa-sine o tv, marami kang maaaring mapanood kahit ikaw ay bata.
Minsan, kapag ako ay inaatake ng 'nostalgia' iniisa-isa ko ang mga bagay na gusto kong balikan noong 80's. Siyempre, nariyan na ang mga panahong wala kang ibang inaalala kundi maglaro ng taguan o patintero o kahit anong pwedeng laruin sa kalsada. Gustung-gusto ko ring iniisip kung ano ang sikat noon. Pero siyempre hindi maiwawaglit ang mga palabas na kinalakihan kong panoorin.
Bago ko pa umpisahan ang blog na ito, marami akong nakitang iba't ibang blogs ng mga batang 80's na tulad ko. Nakakatuwang malaman na marami pala kaming hindi malimutan ang ganda ng nakaraan. Isa sa mga napakabentang pag-usapan ay ang mga paboritong 80's na palabas.
Inumpisahan kong maghanap ng mga palabas na nagustuhan ko noong ako ay bata pa. Ilan sa mga ito ay nahanap ko (at nailagay dito sa blog), ang ilan di ko na halos mahanap pa sa internet. Sabagay, ngayon na lang naman nauso ang internet kaya hindi na rin siguro madaling hanapin ang mga iyon gamit ang teknolohiyang ito.
Isa sa mga paborito kong palabas ay ang Ora Engkantada. Tandang tanda kong talagang inaabangan ko ito sa tv. Hindi ko na matandaan kung anong oras at araw ito ipinapalabas pero talagang paborito ko ito. Dahil mayroon kaming portable na tv sa kwarto ng kuya ko, dito namin pinapanood ang palabas na ito.
Dahil paborito ko ang pelikulang Ang Mga Kwento ni Lola Basyang, nagustuhan ko ang ideyang may tagapagsalaysay o may isang matandang nagkukwento. Tandang tanda ko ang ayos ni Lola Torya (Luz Fernandez) tuwing mag-uumpisa ang palabas. Matanda, may puti na ang buhok, may salamin at may isang malaking mahiwagang libro. Tulad ng nasa larawan, ganyang ganyan si Lola Torya. SIYA talaga si Lola Torya.
Tulad ng isang tipikal na batang 80's na mahilig magmemorya ng kanta ng mga tv commercial, gustung gusto ko rin ang kanta ng Ora Engkantada. Para siyang isang napakanostalgic na kanta para sa akin. Maraming kwento ang naisalaysay si Lola Torya at iba't ibang sikat na artista noon ang gumanap dito.
Naaalala ko pa, nagkaroon ito ng re-runs sa channel 9. Napanood ko pa ang ilan pero hindi nagtagal ang mga ito. Sayang! Napakaganda pa naman ng palabas na ito. Hindi siya tulad ng mga kwento ngayon na kung hindi gaya, wala nang kaledad ang pagsasadula. Itutuloy ko pa rin ang paghahanap ng kahit anong may kaugnayan sa Ora Engkantada. Pag may nahanap ako, ilalagay ko kaagad dito.


Ping your blog

18 comments:

  1. Mabuhay ka sa pagpost mo ng blog patungkol sa Ora Engkantada. gaya mo ay batang 80 rin ako at isa ang Ora Engkantada sa mga palabas na aking inaabangan. kung hindi ako nagkakamali ay sa IBC-13 pinalabas ito. Sabado ng gabi yata ang timeslot ng programang ito at si luz fernandez (hindi si luz valdez) ang gumanap na lola sa Ora Engkantada. maraming alaala ng kamusmusan ang bumalik sa akin sa aking pagbasa ng iyong blog. maraming salamat.

    ReplyDelete
  2. salamat! nakakatuwa na kahit papaano ay may naglalaan ng panahon sa pagbasa sa aking mga blog entries! tama ka, si Luz Fernandez nga ang host dito.. salamat! gusto ko rin sana bisitahin ang iyong website para doon ka mismo iwanan ng mensahe pero hindi ko magawa (anonymous ka eh =])... salamat!!! =)

    ReplyDelete
  3. Yes... Nakakatuwa naman nakita ko ang Ora Engkantada. Panahon to na di pa ganun karami ang me mga TV nun. Pero pinagpupuyatan. Thanks for making this blog.

    ReplyDelete
  4. Thank you, too! I am happy that somehow this post reminded you of your happy days. Thank you for appreciating my humble blog! =))) Tc!

    ReplyDelete
  5. hey, ganda ng blog mo, kaka inspire mag renisce sa 80's...sana you can post some video episodes ng ora engkantada, just like you gustong gusto yung show nung bata p ko and now na i have a child of my own, gusto ko mapanood din nila yun kc in a way nakatulong talaga sya in building moral values...

    ReplyDelete
  6. uy, salamat naman! natutuwa ako at nagandahan ka sa aking blog. =D super sarap naman talagang magreminisce eh no? batang 80's talaga tayo! haha.. kasi naman super bongga ng 80's era. Oo nga eh gusto ko rin makapanood ulit ang Ora Engkantada. Hayaan mo pag meron akong makita ilalagay ko kaagad dito sa blog ko! ;) God bless!

    ReplyDelete
  7. Hi! Isa rin ako sa tagasubaybay ng Ora Engkantada nanonood pa kami sa black and white na tv namin ang sarap balikan ng panahon na yun, yung inosente pa tayo ng mga panahon na yun.. Napapanood ko din sa IBC13 yung HAPPY HOUSE sina Tito Sotto,Helen Gamboa Isabel Granada at Chuckie Dreyfus, ; Pinoy Thriller; Bioman, Maskman at Shaider :D

    ReplyDelete
  8. sana may video ng ora engkantada

    ReplyDelete
  9. Wow! I am so happy to see that there were still some, even though FEW, comments here on my blog. Thanks! I'll definitely revive this!

    ReplyDelete
  10. Sana makakuha kayo ng videos ng ora engkantada lagi kong pinapanood ng bata pa ako, salamat

    ReplyDelete
  11. til now wala pa ba nalabas na mga videos ng ora engkantada episodes.

    ReplyDelete
  12. Oo nga eh! Kahit ako ay nasasabik mapanood muli ang palabas na ito. Kung tama ako ng pagkakaalala, ipinalabas pa ito ulit sa channel 9, Retro TV, kung saan si Drew Arellano ang host. Tulad ng dati, 6:00 pm din nila ipinalabas. Nakakalungkot nga lang at wala na akong maalalang episode nito!:( Ngunit, tuwing naiisip ko ito, matinding nostalgia at saya ang nararamdaman ko. Makakaasa kayong pag may nakita akong video nito ay ilalagay ko kaagad dito sa aking blog. Salamat! =)

    ReplyDelete
  13. nanonood din kami ng ora engkantada noon..hay! ang sarap balikan ng nakaraan, simpleng palabas lang masaya na ang mga bata noon..

    ReplyDelete
  14. I came upon this blog after ko mgkuwento with officemates about what I used to watch when I was a kid. Tanda ko pnpnood ko to sa madaling araw kaya gumigising talaga ako ng like 3am or 4am pra mapnood to and ung mga chinese movies about ghost, ghouls, and zombies s star mandarin n channel ata yun. Isama pa ung mga plabas sa cartoon network after :)

    ReplyDelete
  15. When I'm in my elementary times, I always watch this stories of Ora Engkantada. How I wish it will be shown back, for until now I miss this stories & also the one reading the stories for us, Mr. Luz Fernandez. Ang galing nya magkuwento at ang galing magpayo, may aral ka talagang matututunan.

    ReplyDelete
  16. Sana maibalik itong Ora Engkantada sa telebisyon, para magbigay ulit ng aral sa mga kabataan ngayon. I wish it will be back on television, especially the story teller lola Torya (Luz Fernandez). Kung pwedeng ang pumalit sa kanya ay kasing-galing nya magkuwento at magbigay ng mabubuting payo sa mga kabataan, lalo na sa lahat ng kabataan na imbes na magbasa eh puro gadgets na lang maghapon ang inaatupag.

    ReplyDelete
  17. ang title na naaalaala ko pa din ay yung "ang biniling panaginip"..

    ReplyDelete