link: click VIDEO to watch
Thanks to SherylUploads for the movie upload
Tulad ng mga nausong pelikula noong araw, Ang Takbo, Talon, Tili ay may tatlong bahagi (Mahiwagang Banga, Ang Lalaki sa Salamin, at Mga Laruan Nina Tito, Kiko at Toto). Ito ay pinagbibidahan nina Rene Requietstas, Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz, Rita Vila, Rey PJ Abellana, Rina Reyes, at Richard at Raymond Gutierrez. Kung hindi pa ako natangay ng aking paghahanap ng mga lumang palabas sa youtube ay hindi ko na maaalala ang palabas na ito. Sa talong bahagi ay "Ang Lalaki sa Salamin" lang ang nakita ko.
Kwento ito tungkol kay Deborah (Sheryl Cruz) na naniniwala sa mga di pangkaraniwang bagay. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang biyudang tiya (Luz Fernandez) na medyo mahigpit at istrikta. Madalas ay nagpupunta ito sa isang kwarto sa kanilang basement upang makapagbasa ng tahimik. Sa loob ng kwartong ito ay samu't saring bagay na hindi na nila ginagamit at naisipin na lang na dito itago o itambak. Isa sa mga gamit na nakatambak dito ay ang isang matandang salamin. Ayon sa kasabihan, kapag humarap ka sa isang salamin na halos isang daang taon na ang tanda sa oras ng hatinggabi ay makikita mo kung sino ang mapapangasawa mo. Dito na nga umikot ang istorya. Nakilala ni Deborah si Ruben (Romnick Sarmenta), ang lalaki sa salamin. Paano nga ba napunta si Ruben sa loob ng salamin? Paano siya makakalabas? Ilan lamang iyan sa mga katanungan ng manonood ng pelikulang ito. Bilang manonood, labis akong naaliw kay Ruben at sa kanyang "punto". Napakahusay ng pagganap ni Romnick sa kanyang karakter at tunay ngang namangha ako sa kanyang talento. Labis rin akong nagulat ng nakita ko ang mangkukulam (Sylvia Sanchez). Hindi ko inakalang matagal na rin pala siyang nag-aartista. Hindi katulad ng mga pelikula ngayon, tinalakay man sa bahaging ito ang pag-ibig, hindi nito ipinakita ang superficial side ng pag-ibig. Marahil, kung ikaw ay matalinong manood, makikita mong ang palabas ay hindi lamang nagpapasaya kundi nagtuturo rin ng filipino values.
Ikaw, ilang taon ka kaya nang mapanood mo ito? May iba ka pa bang naaalala mula sa palabas? Baka napanood mo ang ibang bahagi ng pelikula at gusto mong ibahagi sa amin ang iyong naaalala...
Kung hindi naman at nais mong mapanood ang bahaging "Ang Lalaki sa Salamin", i-click mo lang ang salitang VIDEO sa ibaba ng pamagat ng blog na ito para mapanood ang palabas.
***No Copyright Infringement Intended***
Ping your blog
No comments:
Post a Comment