link: click VIDEO to watch
Thanks to housetofu
Ang mga Tengcos... Anding, Barbara at Dino... naiisip ko palang sila natatawa na ako. Sa tingin ko isa ito sa mga iconic satyric tv programs noon. Tungkol ito sa pamilya ng mga pulitiko na mga Tengco. Isa-isa nating kilalanin ang miyembro ng pamilyang ito. Si Anding Tengco, isang korap (corrupt)na congressman...mayaman, may kapangyarihan, tiwali at babaero. Gagawin nito ang lahat maupo lamang sa malakanyang. Si Barbara, ang asawa ni congressman tengco, druggy, adik sa comsetic surgery at walang ibang ginawa kundi magshopping. Mahahawigan mo ang kaniyang mga porma sa isang pamosong dating ginang. Si Dino, ang kaisa-isang anak ni Anding at Barbara, spoiled, bayolente at may pagka-wirdo. Nahulog daw kasi ito mula sa bintana ng isang gusali at mirakulong nabuhay. Ang palabas na ito ay binibigyang buhay din ng mga karakter nina Nova Villa bilang si Tita Delos Santos. Isang social climber na kaibigan ni Barbara. Si Roderick Paulate naman ay si Benny Dela Croix o si Benny Dela Cruz, isang baklang beautician ni Barbara Tengco. Si Benny ay may asawa, si Clara na ginampanan ni Carmi Martin. Maganda siya ngunit medyo may kahinaan ang ulo. Isa siyang cultural dancer sa isang local nightclub at ipinaggigiitan nito na hindi bakla ang kanyang asawa. Si Del, ang bodyguard ng pamilya tengco na ginampanan ni Joji Isla, ay tapat, hindi lamang bilang isang bodyguard ngunit bilang hitman na rin ng mga Tengco.
Naaalala ko noon, gabi na ito ipinalalabas sa Channel 2 at gustung-gusto itong pinanonod ng aking nanay pagkauwi mula sa trabaho. Hindi ko maappreicate ang humor nito noon. Pero nang panoorin ko muli ang ilang episodes nito na matatagpuan sa net, hindi ako nabigo at lubha akong napatawa ng palabas. Hindi ko rin makakaila na ito ay malaking bahagi ng nakaraan. Naaalala ko pa ang opening theme nito. Melody lang pero very catchy and memorable na. Tessie Tomas did a good job here and so is the rest of the cast. I have included the URL of one of the episodes of this show. Watch it and hopefully it'll bring you back in time! =)
***No Copyright Infringement Intended***
ganoon din ako noon kaibigan. d ko makuha ang humor ng palabas nato dahil nasa elementarya palang ako noon. pinanood ko yung isang bidyo sa youtube, napatawa din ako. may alam kaba ibang web site na puedeng panooran nito?
ReplyDeletethanks for taking your time to comment here Gerard! Sadly, ung link ko lang sa taas (VIDEO) ang alam kong episode nito na pwedeng mapanood sa YouTube. I still haven't posted my entry about Sic O'Clock News, remember that TV program?? =) I found a clip of that show in YouTube din. For me, almost the same nostalgia sila ng Abangan.. If I come across somoe other clips of Abangan ng Susunod na Kabanata, I'll leave a message on your site! Have a nice day! =)
ReplyDeleteCorrection lang po. Dino yung pangalan ni Anjo (anak ni Barbara at Anding)
ReplyDelete