Saturday, December 26, 2009

Hotshots 1984

link: click VIDEO to watch FULL VIDEO
thanks to Cine Filipino for the upload

Pangalawa sa Bagets, ito ang pinakapaborito kong pinoy movie. Bukod sa bida dito ang tatlo sa Bagets stars na sina Aga Muhlach, Herbert Bautista at Raymond Lauchenco, narito rin ang ilan sa kanilang mga nakasama sa Bagets na sina Ms. Eula Valdez na siyang love interest ni Raymond, Monette River na love interest ni William at Joebel Salvador na love interest naman ni Herbert sa Bagets. Kabilang din dito sa palabas na ito si Gary Valenciano bilang boyfriend ni Joebel sa palabas. Dito kinanta ni Gary V ang isa sa kanyang mga sikat na kanta na "Reaching Out To You".
Ang palabas ay umiikot sa apat na love story. Si Archie (Aga) ay matalik na kaibigan ni Boy (Herbert). Si Archie ay mayaman at chick boy. Mayroon siyang nakatatandang kapatid na babae (Joebel). Dahil gwapo at madaling nakakakuha ng atensyon mula sa mga babae, unang beses niyang gustong magseryoso pagdating sa pakikipagrelasyon. Siya ay umibig kay Elaine (Eula). Sa kasawiang palad, si Elaine ay may dalawang kuya na walang ginawa kundi tablahin at pagtripan si Archie. Dahil dito, lalung nagugustuhan ni Archie si Elaine. Si Boy naman ay konserbatibong binata dahil lumaki ito sa lolo at lola. Mahilig siya sa mga hayop kaya naman parang mini safari ang kanyang kwarto. May alaga siyang cub, parrots, lizards at kung anu-ano pang exotic animals. Sa kagustuhan nilang makahanap ng "bago" sa kanilang buhay, nagtulungan ang dalawa na makamit ang kanilang nais. Si Joebel Salvador naman ang gumanap na ate ni Archie (aga) dito sa pelikula. Ang karakter naman niya ay girlfriend ng isang sikat na mang-aawit (Gary V). Yun nga lang, madalas silang magkatampuhan dahil ang boyfriend niya ay madalas di makatupad sa kanyang mga pangako at madalas ding walang oras para sa kanya. Kung hindi pa dumating si Danny (Raymond Lauchenco) sa eksena, hindi matatauhan ang boyfriend nito. Si Danny naman ay isang aspiring musician at kasalukuyang kumukuha ng degree sa Music. Ginamit ang UP Diliman, partikular ang Abelardo Hall, para sa mga eksena nila Danny sa pelikung ito. Palibhasa'y puro may kinalaman sa larangan ng sining ang bawat karakter ay dito sila nagshooting. Mayroon din namang dalaga ang nagkakagusto kay Danny. Hindi nga lamang siya tulad ng mga korserbatibong babae noong 80's. May pagka-straightforward at daring siya pagdating sa pagpapakita ng kanyang damdamin kay Danny.

May pagkamusical din ang pelikula lalu na sa bandang hulihan. Ang lahat ng bidang tampok sa palabas na ito ay kumanta at sumayaw sa kantang madalas binabanggit ang pamagat ng pelikula. Napapanood pa rin ito sa mga cable tv channels magpahanggang ngayon. Tunay ngang naging iconic stars ang mga artistang nagsiganap sa pelikulang ito at ang ilan sa kanila ay aktibo pa rin ngayon sa showbiz.

Related link: Shadow of Time by Raymond Lauchenco from the movie Hotshots.


Ping your blog

11 comments:

  1. Nice blog. Tumatak sken to. Fave ko dito ung character ni Raymond. At one point i even wanted to be like him in real life pro you cant be someone you are not tlga. Fave ko din dito ung version ng you got me working ni Gary V. sana may mag upload ng full movie nito sa youtube tulad ng bagets.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino ba naman ang hindi maaappreciate ang character ni Raymond dito? He's very filipino--and very charming!;) Thank you for sharing how you used to wish to be him. And yes, You Got Me Working by Gary V. is really good!:D If ever may makita ako ulit na full video nito, I will post it here right away! Thanks!:D

      Delete
  2. Masaya talaga ang 80's. Strut at breakdance ang uso dati sarap balikan

    ReplyDelete
  3. Share Naman baka may alam ka torrent ng movie ng hotshots 1984 para mapanuod ulit.

    ReplyDelete
  4. Share Naman baka may alam ka torrent ng movie ng hotshots 1984 para mapanuod ulit.

    ReplyDelete
  5. Hi! I don't know if you can truly download the full movie here but I found this on the internet... http://joox.net/watch-hotshots-1984-movie-online. Check it out! I hope you'll be able to get it! :)

    ReplyDelete
  6. Ano name nun girl na nagkagusto sa character ni raymond lauchenco.. Un prangka na chick. Pinapanood ko sya now palabas sa pbo haha

    ReplyDelete
  7. it's Monette Revira, nanood d I need kami ngayun pbo.it's brings back a lot of momories pag pinapa nood ko to.

    ReplyDelete
  8. You are right, the girl who fell for Danny (Raymond) here is Monetter Rivera. She is also the love interest of Ton Ton (William Martinez) in Bagets 2. She's really preatty and her dimples made more beautiful!;)

    ReplyDelete
  9. san pa pwede makadownload ng movie na to? Hotshots.. been searching for about 2 years na.. :( i really love this movie...

    ReplyDelete
  10. To add some of 80's movie na hindi ko matandaan if tama at ano ung title.. baka pwede nyo rin ishare kung meron po kayo: Mga Kwento ni Lola Basyang, ung pinakaunang shake, rattle and roll, movie na nandun si chuckie dreyfuss na me manika.. ung bata pa si ian veneracion na meron syang third eye... thank you so much in advance.. God bless!

    ReplyDelete