Thursday, February 10, 2011

Kayod Ka ng Kayod -- Ang Mga Kwento ni Lola Basyang

link: click VIDEO to watch the video clip
thanks to LyoniaMariana for the upload

Laking pasasalamat ko nang matagpuan ko ang video clip na ito sa internet. Ito ay parte ng walang kapantay na Ang Mga Kwento ni Lola Basyang. Ito ang ikatlong segment ng palabas na pinagbidahan ng mga bigating artista na sina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Chuckie Dreyfuss. Nandito rin sina Sheryl Cruz at Kristina Paner na kabilang sa "Triplets" ng Regal na kinumpleto ni Manilyn Reynes.

Nag-umpisa ang istorya ng parusahan ni "God" ang isang makulit na kerubin (Chuckie Dreyfuss). Ipinadala siya sa lupa para sa isang misyon.

Ang misyon nyang ito ay tulungan si Sabel at ang ang mga kawawang batang nakakulong sa basement ng isang malaking masyon.

Si Sabel ay iisang anak lamang. Nang pumanaw ang kanyang ama naiwan sa kanyang pangnangalaga ang kanilang malaking bahay.

Hindi naman inaasahan ni Sabel na darating ang kanyang tatlong tiya-- Caridad, Fe at Esperanza. Inangkin ng tatlo ang mansyon at ikinulong si Sabel sampu ng lipon ng mga batang kanilang kinikidnap upang alipinin at pagtrabahuhin.

Ang "baguhan" sa mga bata ay si Luisa (Sheryl Cruz), anak ni Roland (Tirso Cruz III) na dating kasintahan ni Sabel. Lumaki ito sa karangyaan at hindi sanay sa hirap. Dahil dito hindi niya kinakaya ang pagod at puyat sa pagtatrabaho.

Idagdag mo pa ang makisalamuha sa isang napakataray na kasamahan, si Lalay (Kristina Paner) na lubhang kinatatakutan at kinaiinisan din ng lahat. Isang gabi, nagkatuwaan sila at imbis na mapagod ay dinaan na lamang nila sa kanta ang kanilang pagod at galit.

Lingid sa kanilang kaalaman, isinumbong sila ni Lalay sa tatlong malulupit na tiyahin ni Sabel. Dahil doon, nadagdagan tuloy ang dami ng mga manikang dapat nilang magawa bago mag-umaga.

Panoorin natin muli ang video clip nito at sigurado akong matutuwa kayo at muli ninyong nasilip ang napakagandang palabas na ito.


Ping your blog

3 comments:

  1. ano nga po title ng theme song nito, yung my line na... kung mayrong pag-ibig walng d magagawa

    ReplyDelete
  2. pwedeng paki upload po ulit ang video kc na delete na cya saka ano po ang title ng theme song plzzzz reply,,,, tnx!...

    ReplyDelete
  3. Thank you for informing me about this! :) Actually, I do not have as much time as before to update my blog. But I've been wanting to do so all the time. For sure, some videos are already not available. :( Anyway, once I have the time to update this, I will! ;)

    Here's a bit of info about the song they sang in the video clip::
    Title: Kayod Ka ng Kayod
    Music by: Ronnie Quesada
    Lyrics by: Jose Javier Reyes

    ReplyDelete