Monday, February 14, 2011

Pik Pak Boom!

link: click VIDEO to watch the movie
thanks to pinoymoviesonline for the upload

Isa nanamang pelikulang pilipinong handog ng Viva Films na kinatampukan nila Herbert Bautista, Lea Salonga at Lilet.


Ang "Manyika" ang isa sa mga segments ng pelikulang Pik Pak Boom. Kitang kita naman sa itsura ng pamagat ang 80's flavor!


Ang kwento ay nagsimula sa daigdig ng mga engkanto na pinamumunuan ng napakaganda, tapat at mabait na reyna (Delia Razon).

Lahat ng mga engkanto ay masaya sa kaniyang pamumuno. Walang nagugutom at lahat ay nagsisigsa sa pagtatrabaho.

Ngunit may isang napakakulit at napakasalbaheng engkanto ang hindi na matiis pa ng kaniyang nanay. Hiningi ng kaniyang ina sa reyna na kung maaari ay maturuan ito ng leksyon.

Sa mundo naman ng mga tao, ang dalawang magkapatid na si Rosie (Lea Salonga) at kuya nitong si Danny (Herbert Bautista) ay ulila na. Gawa ng kahirapan, pareho silang nagtatrabaho. Si Rosie nagtitinda ng sigarilyo at si Danny naman dyaryo.

Sa kaarawan ni Rosie, bilang isang mabait at maalalalahaning kuya, sa kakarampot na kinita ay bumili siya ng pansit at sa swerte ay may napulot na manyika mula sa basurahan.

Hindi nila alam, maysa-engkanto pala ang manyikang ito. Anong gulat na lamang nila isang araw ng matuklasan ito.

Ang manyika ay bigla naging tao. Siya si Marie (Lilet) ang engkantong naparusahan mula sa kanilang daigdig. Siya ay nagiging tao pag araw at pagsapit ng hatinggabi ay babalik muli sa pagiging manyika. Dahil sa kababaan ng loob at kabutihan ng magkapatid, napagpasiyahan ni Marie na ibigay ang lahat ng hiling ng dalawa.

Lalu kayang naging maayos ang buhay nina Rosie at Danny? Panoorin mo muli ang pelikulang ito at nang malaman ang sinapit ng magkapatid.


Ping your blog

2 comments:

  1. *sniff* one of my favorite movies...

    ReplyDelete
  2. Yeah! Parang naririnig ko pa si Regine na kumakanta ng Bananacue at Pik Pak Boom. Nyahaha!

    Lilet is one of my favorite singers back then (together with Timmy Cruz, Sheryl Cruz and Manilyn Reynes. And also Tina Paner pala since I really love her song "Tamis ng Unang Halik", OST for the movie with the same title). Hindi ko na kailangang magbasa ng songhits para makabisado ang mga kanta ni Lilet na "Kaibigan Lang Pala", "Kahit Bata Pa", "Kaypalad Mo" at "Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib" (tanda ko pa 'til now ang tono at ibang lyrics. Mahirap makalimutan ang mga kinalakhan lalo't lagi s'yang on air sa radyo during those times. Wehehe). I love the episode Manika (I guess paborito ko talaga si Lilet. For me siya ang pinakamaganda at pinaka-sweet na artista/singer during those times) and her other movie with Leah and Herbert that gave me the creeps -> Dear Diary ('yong episode na killer si Michael de Mesa. Elementary pa lang ako noong napanood ko siya. Sobrang hintakot ako sa climax eh. Nyahaha! Kung iisipin ko malinaw pa rin sa isip ko ang scene na 'yon hanggang ngayon. Pagtakbo ni Leah sa hagdanan at pagbukas ng pinto *scream!*). Si Lea at Herbert ang cute ng innocent team up nila talaga, partner din sila sa pelikulang Captain Barbell na napanood ko sa sinehan with my older brothers (I've so many good things to say about this movie. Natakot talaga ko kay Gagamba noon at sa assistant na maliit na mabilog na kalbong lalaki).

    Ang mahal na ng bananacue ngayon. Oh well. "Bananacue ang kasagutan..." :D

    ReplyDelete