Monday, May 3, 2010

Anong Paboritong Pagkain ni Pong Pagong???

(Copyright 1984 PCTVF)
Kaya mo bang hulaan kung ano ito?

Marahil ang mga bata ngayon ay hindi mahuhulaan kung ano ang nasa larawan. May magsasabi sigurong ito ay taniman ng palay o di kaya isipin pang ito ay damuhan o talahiban. Hindi na rin kasi makikita ang mga ganitong tanawin sa paligid ngayon lalu na kung nakatira ka sa lungsod. Wala nang ideya ang mga tao ngayon kung saan ito at kung ano ang mga itinatanim dito.

(Copyright 1984 PCTVF)

Sa tingin ko'y hindi ka nagtataka o napapaisip tungkol dito sa dahilang ikaw ay isa sa mga libu-libong batang lumaki sa panonood ng batibot. Malamang natutunan mo mula sa programang ito ang tungkol sa masustansyang gulay na siya ring paborito ni Pong Pagong--ang Kangkong.

(Copyright 1984 PCTVF)

Sa halos isang minuto (57 segundo), itinuro ng maiksing video na ito kung ano itong masustansyang gulay na ito, saan at paano ito tinatanim at inaani, at kung ano ang kahalagahan ng pagkain nito. Ganito ang pormat ng Batibot, dahil isinasaalang-alang ang maiksing attention span ng bawat bata, itinuturo nila ang isang konsepto sa abot na maaaring maintindihan ng isang bata.

(Copyright 1984 PCTVF)

Ang mga larawang ito ay hango sa isang video na nagmula sa multiply site ni Sir Augie Rivera. Kasama ng 1984 billboard opening ng Batibot, isa rin ito sa mga laman ng tape na naitabi ni Sir Augie.


Kung nais mapanood ang video na ito, pindutin lamang ang link na ito.

Ping your blog

No comments:

Post a Comment