salamat kay tomcodytv5 sa pag upload nito
Isa ka bang batang Batibot? Kung "OO!" ang sagot mo, sigurado akong namiss mo na rin ang pakikinig sa mga kwento ni Kuya Bodjie. Isa sa kanyang mga naisalaysay na hinding hindi ko makalimutan ay ang tungkol sa Pamilya Ismid. Ang pamilyang ubod ng yabang at puno ng pagmamahal sa sarili.
Sa dami ng kinuwento ni Kuya Bodjie, alam kong imposibleng hindi ninyo maalala ang kwento tungkol kina Linggit at ang Barakuda.
Masayang masaya si Linggit sapagkat maganda ang tinitirhan niya.
Masaya rin siyang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan ng walang anumang iniisip na takot sa panganib.
Ngunit isang araw, ano na lamang ang gulat at takot nila ng biglang sumulpot ang isang napakalaking isda. "Ngasab, ngasab, ngasab. Nguya, nguya, nguya," wika ni Barakuda.
Walang awang kinain ni Barakuda ang mga maliliit na isda. Hindi pa ito nakuntento at sinira niya pa ang mga tirahan nito.
Dahil sa nangyari, nag-isip ng paraan si Linggit at ang kanyang mga kaibigan upang matalo ang napakasamang si Barakuda.
Nang maisip ang solusyon, agad agad nila itong ibinahagi sa iba at saka hinintay ang pagdating ni Barakuda.
Nanibago si Barakuda nang makarating ito sa batuhan dahil napakatahimik nito at walang sinuman ang naroon. Laking gulat niya ng biglang dumating ang isang malaking isda na di hamak na mas malaki kaysa kanya na namumula pa ang mata. "Ngasab, ngasab, ngasab. Nguya, nguya, nguya," ani nito. Dahil sa takot agad agad na lumangoy papalayo si Barakuda at di na bumalik kailan pa man. Naging masaya na ulit sina Linggit at ang kanilang lugar. Wala nang Barakudang manggugulo sa kanila.
Nagustuhan mo ba ang ating pagbabalik-tanaw sa kwentong ito? Marahil gusto mo ulit marinig magkwento si Kuya Bodjie.
Ang ikinuwentno naman niya noong nakaraan sa Batibot ay ang Alamat ng Pilipinas. Nang simula pala'y magkaaway sina dagat at ulap. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Panoorin natin!
Ping your blog
No comments:
Post a Comment