Oh, meron ka niyan? Kung gusto mong maging sikat dapat ito ang 'tsikot' mo. Kita tayo sa Greenhills, karera!
Ganyan ang mga angasan noong 80's. At ito... ang isa sa mga maangas ng kotse noong panahon. Kailan lang, bago ko malaman na ako ay may sakit, nakita ko ang thread na ito. Hindi pa ako matanda noon para maging maalam ako at marunong tungkol sa mga sikat at 'cool' na kotse. Pero kakaiba ang naidulot na tuwa sa akin nang mabasa ko ang thread na tungkol sa mga happenings ng mga kabataan noon na may kaugnayan sa kanilang mga fascination sa kotse.
Agad kong hinanap ang mga litrato ng mga nabanggit nilang mga kotse para makasabay naman ako sa kanilang trip back to memory lane. Hindi naman ako pinahiya ng aking memorya at sa oras na nakita ko ang larawan, naalala ko naman kahit papaano na nakikita ko nga ang mga ito noon sa kalsada.
Bilib naman ako sa kanilang mga ibinahagi tungkol sa kanilang mga 'fond memories' noong kanilang kapanauhan. Talagang tandang-tanda pa nila ang mga pangalan at modelo ng kanilang mga kotseng ginagamit at pinapangarap noon.
At tulad ng mga car addicts at drag racers ngayon, talaga namang pasikatan din sila sa kalibre ng kanilang mga makina noon. Parang Fast and The Furious ang tumakbo sa isip ko habang binabasa ko ng thread na ito.
Minsan pinaglalaruan pa ako ng aking isip, "kung hindi ko lang alam, baka nagsisiiyakan pa ang mga ito sa kanilang mga naaalala." Nostalgic kung nostalgic. Past kung past. Kotse kung kotse.
Eh kahit ako, nang makita ko ang larawan ng kotseng ito, 1979 Pontiac Trans Am, napahanga din sa ganda ng kotseng ito. Kahit ngayon siguro ito gamitin at makita, tiyak hahanga pa rin ang iba.
Isa ka ba sa mga kabataan noon na tumatambay sa Wildlife o sa may Goodah sa Greenhills para makipagdrag race? Basahin o kaya ulit itong thread na ito at balikan muli ang magagandang alaala. =)
Isa ka ba sa mga kabataan noon na tumatambay sa Wildlife o sa may Goodah sa Greenhills para makipagdrag race? Basahin o kaya ulit itong thread na ito at balikan muli ang magagandang alaala. =)
Ping your blog
Hello, I was wondering how I could get in touch with you. I just recently started an Instagram account called @pinoy80skids, and as I was searching for content, I found your blog(s), and I would just like to say that I super love your content. Would you be okay with me posting some of your stuff on Instagram? I will be crediting you, of course. I wanted to contact you directly via Gmail, but I couldn't find any link on your blog to your Gmail address. I was wondering if you were also morichuck@yahoo.com, but since this is Blogger, you must have a Gmail address, which I couldn't find. Hoping to hear from you soon. Thank you!
ReplyDeleteHello, Sting! I am the owner and creator of this blog. Unfortunately, I can't log in and have been trying to recover my account. Of course, you may post my content on your IG account. I would love to share the 80's spirit to everyone! morichuck@yahoo.com is a person I met when I bought a DVD copy of Ang Mga Kwento ni Lola Basyang. He has a lot of pinoy movie titles, I believe. Feel free to reach out to him, if you like!;))
DeleteFor future correspondence, you may send me an email at welldoneeunice@gmail.com. Merry Christmas! :)