Kung ikaw ay masugid na sumusubaybay ng aking blog, malamang sasabihin mong paboritong paborito ko ang series ng commercial ng Royal noon. Tama, hindi ko ikakailang ito nga ay isa sa mga pinakapaborito kong commercial.
Dahil yata sa commercial na ito, nauso ang "truth or consequence" na laro. Naaalala ko pa, noon mahal ang mga softdrinks in can. Usong-uso ang mga softdrinks na nakabote. Bihira rin ang mga malalaking Coke na nakaplastic bottle. At di tulad ngayon, di hamak na masmalalaki ang mga bote ng softdrinks noon.
Bakit ko paborito ang commercial na ito? Maraming dahilan. Una, ito ang madalas kong makita sa TV noong bata pa ako. At kahit sinong batang 80's sigurado akong sasabihin din nilang ang panahon ng kanilang kabataan ang pinakamasayang panahon ng kanilang buhay. Pangalawa, naaalala ko ang bahay namin na kinalakihan ko. Super 80's ang itsura ng bahay namin--bungalow type, may garden na maliit, may garahe at may puno sa gilid tapos 80's na 80's yung design nung bahay.
Pangatlo, tulad ng mga taong madalas atakihin ng nostalgia at hilig na hilig bumalik sa nakaraan, naaalala ko ang fashion noon. At siyempre bilang bata at dahil bata din ang mga nagsiganap sa commercial na ito, garantisadong nakarelate ako.
Hindi ko po naabutan itong commercial ngayon ko lang nalaman dito po pala nag-uso ang larong truth or consequence. Now I know :D
ReplyDeleteNegosyongPinoy.info
haha wala pa ako neto sa mundo:D malayo layo na din narating ng komersyal sa tv noh Sakit.info
ReplyDeleteAnu po b ang totoong name ni joey?
ReplyDelete