Showing posts with label maricel soriano. Show all posts
Showing posts with label maricel soriano. Show all posts

Sunday, December 20, 2009

John en Marsha

link: click VIDEO to watch
Thanks to happyslix for the upload
Guests: Jon Jon Hernandez & Nadia Montenegro

John en Marsha..pati si Shirley at si Rolly...sinong pamilyang pilipino ang hindi tumutok at sumbaybay sa palabas na ito na sumasalamin sa ordinaryo at tipikal na pamilyang pilipino? Naging pamilya para sa lahat ang Pamilya Puruntong. Lahat ng Tatay ay nakaka-identify kay John na nagsusumiskap, sa kabila ng hirap ng buhay, na itaguyod ang kanyang pamilya. Hindi rin makakaila na ang mga antics ni John at ng kanyang biyenan na si Donya Delilah (Dely Atayatayan) ay siya ring nagbibigay saya sa mga manonood. Ang anak nilang si Shirley (Maricel Soriano) ay kumakatawan din sa bawat dalagang pilipina noong panahon ng 80's. Ang kuya niyang si Rolly (Rolly Quizon) ay tipikal na kuya, mapagbigay, mapagmahal at masunurin sa magulang. Naaalala nyo pa ba si Matutina(Evelyn Bontogon-Guerrero), ang katulong ni Donya Delilah na pagkatinis ng boses? At siyempre si Marsha, ang anak ng mayamang si Donya Delilah at ang mabait na ina at asawa sa pamilya Puruntong. Halos lahat ng episodes ng palabas na ito ay kapwa kaabang-abang at mahirap kalimutan. Minsan nang nag guest dito sina Ding Dong Avanzado at Dawn Zulueta. Nakakatawa rin ang guesting ni Nadia Montenegro at Jon Jon Hernandez dahil nagtangka pa ni Shirley na maka-iskor kay Jon Jon. Nag guest din dito ang macho gwapito na si Mr. Rico J. Puno kasabay si Gretchen Barreto. Nag guest din dito ang komedyanteng si Jimmy Santos. At siyempre, pwede ba namang hindi mag guest dito ang isa na matalaik na kaibigan ni Pidol na si Panchito Alba? Ang lola ko ang mahilig manood nito. Dahil tuloy sa palabas na ito hinding hindi ko makakalimutan ang parating dialogue ni Donya Delilah "Kaya ikaw John, magsumikap ka!" na siya ring mga linyang nagsasabing ito na ang katapusan ng palabas ngayon araw. Pati sa aming bahay ay naging biruan ito. Kapigura pa naman din ng aking lola si Donya Delilah! Nagkaroon din ng ilang pelikula ang John en Marsha at isa na rito ang John en Marsha sa Amerika. Mapa-tv o sine, sinuportahan ng mga manonood si John at ang kanyang pamilya sa pagharap sa buhay. Napamahal ang bawat karakter ng palabas na ito sa manonood at itinuring na rin parang pangalawang pamilya ang bawat miyembro ng pamilya ni John Puruntong. Ang palabas na ito ay nagkaroon na ng lugar sa puso ng bawat pilipino. Di matatawaran ang saya at ligayang naibahagi ng pamilya Puruntong sa atin.

Blog and ping

Saturday, December 19, 2009

Inday Bote

link: click the TITLE for the VIDEO
courtesy of VSPRODUCTION

One of the hottest couples of the 80's starred in this fantasy movie. With the tandem of Maricel Soriano (Inday) and William Martinez (Greggy), they have entertained the audience of the eighties with this light-hearted comedy/fantasy film, Inday Bote. This is a story about a simple girl named Inday (Maria) who is madly and deeply inlove with a young lad whom she dearly calls Greggy (William). Inday and her brother are both orphans and are staying with their strict aunties. They were forced to do dyaryo-bote-garapa as their work in return of their auntie's feeding and shelter.
But destiny has something even bigger for Inday. Having a pure and kind heart, Inday and his brother helped an old lady beggar whom they happen to stumble upon when they were both arguing over hilaw na mangga that Inday bought. Inday offered the mangga to the old lady instead after knowing that she hasn't eaten yet. Her good gesture was indeed repayed by the beggar by handing her a bote that said to be useful in times of need. At first, Inday thought that she could make use of the bottle by selling it along with her bote-garapa. But since no one wants to buy it, she ended up keeping the bote.
Unbeknownst to Inday, inside the bote are duwendes (Nova Villa, Chichay, Dely Atayatayan, Roderick Paulate, Palito, Balot & Max Alvarado) who are just waiting for someone to rub the bote for them to be freed. The duwendes and Inday along with her brother embark in adventures and magic. In this movie, new actor Richard Gomez, was introduced. He played a rich, inglesero, handsome guy whom Inday met when his car almost hit Inday and her brother. This movie is indeed an epitomy of a classic 80's fantasy movie. A copy is available at Regal Film's website.







link for the VIDEO: Part 2 of Inday Bote
courtesy of VSPRODUCTION
***No copyright infringement intended***

Ang Mga Kwento Ni Lola Basyang

link: click VIDEO to watch video clip of the 1985 movie
thanks to charmerjay for the upload

link: click VIDEO to watch the original 1958 movie
thanks to jotiv69 for the movie upload

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Lola Basyang? Nakakatawang isipin na halos hindi na maihawalay ang katauhan ni Chichay sa kanyang karakter na ginanapan sa pelikula-- si Lola Basyang. Isang karakter na tumatak sa halos lahat ng isipan ng mga batang nabuhay sa dekada otsenta. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw noong 80s. Pag-uwi ko sa eskwela ay inihahatid kami ng aking tito sa bahay ng aming lola sa Tandang Sora. At dahil tanghali, wala kaming ibang inaabutan sa telebisyon kundi ang mga palabas tungkol sa drama o mga palabas na pinoy na pinoy. Hindi pa kasi uso ang cable noon. Ang pelikulang ito ay tiyak na nakakapagpaluha at nakakapagpatawa sa akin. Nakakapagpaiyak dahil iba ang saya at sarap ng buhay noong dekada otsenta na di hamak na malayong malayo na sa panahon ngayon. At nakakapagpatawa dahil sa mga alalaa noong ako'y bata pa.

source: Sari-Saring Sineng Pinoy
Ang unang istorya sa pelikulang ito ay ang "Nahihimbing Na Kagandahan" na pinagbidahan ni Snooky Serna at Gabby Concepcion bilang si Prinsesa Rosetta at Prinsepe Amante. Hindi ito nalalayo sa kwento na Sleeping Beauty. Fairy tale na fairy tale and dating nito at hindi ko malilimutan si Lani Mercado na gumanap na Itim na Diwata. Sa galit nito, dahil hindi napaanyayahan sa salusalo sa kaarawan ng Prinsesa, ay sinumpa nito na sa ika-labing-anim na taon ng prinsesa ay kamatayan ang maghihintay. Tulad ng maraming pelikulang pilipino, natapos ito nang maalis ang sumpa sa pamamagitan ng wagas ng pag-ibig na napakagwapong prinsepe.

Ang ikalawang kwento ay ang "Zombies" na pinangunahan nila Maricel Soriano at William Martinez. Tulad ng kanilang pangkaraniwang roles, away bati silang dalawa sa kwentong ito. Sa pagmamarunong ni Mike (William), naligaw tuloy sila nila Cathy (Maricel) at Sheila (Manilyn) sa isang mansiyon na tila minumulto. Dahil komedya at katatawanan ang isa sa mga "forte" ng pares na ito, hindi ako nabigo sa panonood. Hindi ka ba naman maaliw sa katarayan ni Cathy, kaartehan ng ingleserang si Sheila at sa mapagpasensya ngunit makulit na si Mike?
Ang huli sa tatlong kwento ng pelikulang ito ay pinamagatang "Kerubin" na binubuo nina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Sheryl Cruz. Sino bang hindi matatakot sa mga tiyahin ni Sabel (Nora) na sina Fe (Bella Flores), Caridad (Mely Tagasa) at Esperanza (Flora Gasser)? Sa higpit ng kaniyang mga tiya ay hindi na makuha pa ni Sabel na pagbigyan ang kanilang pagmamahalan ni Roland (Tirso). Kung hindi dahil kay Luisa (Sheryl) na dinukot at sapilitang pinagtrabaho sa pagawan ng manika ng mga tiya ni Sabel ay hindi ito magkakaroon ng lakas ng loob na lumaban sa kanyang mga tiya. Sa tulong ng napakakulit na anghel na si Querubin (Chuckie) na pinarusahan at ipinadala sa lupa, nakamtan ni Sabel ang kalayaang matagal na nitong hindi natatamasa... gayun din ang kalayaang ibigin si Roland. Napakaganda din ng mga awit sa kwentong ito lalu na ang awit ng Querubin nang ito ay babalik na sa langit (Dahil sa Pag-ibig). Kung mayroong pag-ibig walang hindi magagawa... Dahil sa pag-ibig mundo'y napapakanta...


Hay, hindi ko na maibabalik ang panahon. Ngunit ang palabas na ito ay isang mabisang instrumento upang makita ko muli ang nakaraan. Sana ay gumawa pa ulit ng ganitong klase ng pelikula. Hindi lang ito nakakaaliw, kapupulutan pa ito ng aral.

Ping your blog