Showing posts with label sheryl cruz. Show all posts
Showing posts with label sheryl cruz. Show all posts

Wednesday, January 20, 2010

Pardina At Ang Mga Duwende

link: click VIDEO to watch
thanks to MzLiz621 for the upload
Hindi naman ako avid fan ni Sherly Cruz pero ang mga pelikula niya ay hindi maiiwasanang mapanood noong 80's. Bata pa ako noon para sabihin kong idol ko siya pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagagandahan sa ilang mga pelikula niya. Isa na rito ang Pardina.

Talagang tatak na ng industriya ng pelikulang pilipino noong 80's ang love teams. Si Sheryl ay naging sikat bilang kapareha ni Romnick Sarmenta. Marami silang pelikulnag kinabilangan at pinagbidahan noong araw. Isa na rito ang palabas na ito. Si Sheryl din ay kabilang sa "TRIPLETS" ng Regal kasama sina Manilyn Reynes at Tina Paner. Lahat sila ay kabilang din sa pinakasikat na youth-oriented show noon na "That's Entertainment".

Ginanapan dito ni Sheryl ang papel ni Pardina na nakakilala at nainlove sa isang duwende na si Dino (Romnick). Nadito rin ang cute na cute na si Billy Joe. Nandito rin sina Ian Veneracion (Felino), Jennifer Sevilla (Lyka), Ike Lozada (Celestino) at marami pang iba.
Matagal na rin nang huli kong mapanood ang palabas na ito. Bukod sa wala kaming CinemaOne, mahirap din humanap ng buongvideo nito sa internet. Ang naaalala ko na lang sa palabas na ito ay (siyempre) na-inlove si Pardina kay Dino. Ngunit napakalaking hadlang ang kaibahan ng kanilang mundo, si Pardina ay tao at si Dino naman ay duwende. Sa lugar ng mga duwende naroon si Felino (Ian Veneracion), isang duwende na may walang hanggang pag-ibig kay Lyka (Jennifer Sevilla) na wala namang ibang hangad kundi ang ibigin rin siya ni Dino. Hindi ko na matiyak kung si Celestino (Ike Lozada) ang gumanap na hari sa mundo ng mga duwende pero sigurado akong duwende siya. Nakakatuwa siyang mapanood bilang duwende dahil ang bilog bilog ng tiyan niya. Siyempre ang gwapo naman ni Felino at ang cute cute ni Billy Joe dito.

Masayang masaya akong makapanood ng ganitong klase ng pelikula. Sa hirap at kumplekado ng buhay ngayon, talagang stress-reliever ang ganitong uri ng palabas. Hindi ko alam kung biased lang ako pero maging ang mga pelikula ngayon ay hindi makapagbigay ng tuwa at saya na ibinigay ng mga pelikula at palabas noong 80's. Napakainam na pamatid nostalgia ng mga pelikulang gaya nito.


Ping your blog

Monday, December 21, 2009

Takbo, Talon, Tili!!!

link: click VIDEO to watch
Thanks to SherylUploads for the movie upload
Tulad ng mga nausong pelikula noong araw, Ang Takbo, Talon, Tili ay may tatlong bahagi (Mahiwagang Banga, Ang Lalaki sa Salamin, at Mga Laruan Nina Tito, Kiko at Toto). Ito ay pinagbibidahan nina Rene Requietstas, Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz, Rita Vila, Rey PJ Abellana, Rina Reyes, at Richard at Raymond Gutierrez. Kung hindi pa ako natangay ng aking paghahanap ng mga lumang palabas sa youtube ay hindi ko na maaalala ang palabas na ito. Sa talong bahagi ay "Ang Lalaki sa Salamin" lang ang nakita ko.
Kwento ito tungkol kay Deborah (Sheryl Cruz) na naniniwala sa mga di pangkaraniwang bagay. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang biyudang tiya (Luz Fernandez) na medyo mahigpit at istrikta. Madalas ay nagpupunta ito sa isang kwarto sa kanilang basement upang makapagbasa ng tahimik. Sa loob ng kwartong ito ay samu't saring bagay na hindi na nila ginagamit at naisipin na lang na dito itago o itambak. Isa sa mga gamit na nakatambak dito ay ang isang matandang salamin. Ayon sa kasabihan, kapag humarap ka sa isang salamin na halos isang daang taon na ang tanda sa oras ng hatinggabi ay makikita mo kung sino ang mapapangasawa mo. Dito na nga umikot ang istorya. Nakilala ni Deborah si Ruben (Romnick Sarmenta), ang lalaki sa salamin. Paano nga ba napunta si Ruben sa loob ng salamin? Paano siya makakalabas? Ilan lamang iyan sa mga katanungan ng manonood ng pelikulang ito. Bilang manonood, labis akong naaliw kay Ruben at sa kanyang "punto". Napakahusay ng pagganap ni Romnick sa kanyang karakter at tunay ngang namangha ako sa kanyang talento. Labis rin akong nagulat ng nakita ko ang mangkukulam (Sylvia Sanchez). Hindi ko inakalang matagal na rin pala siyang nag-aartista. Hindi katulad ng mga pelikula ngayon, tinalakay man sa bahaging ito ang pag-ibig, hindi nito ipinakita ang superficial side ng pag-ibig. Marahil, kung ikaw ay matalinong manood, makikita mong ang palabas ay hindi lamang nagpapasaya kundi nagtuturo rin ng filipino values.
Ikaw, ilang taon ka kaya nang mapanood mo ito? May iba ka pa bang naaalala mula sa palabas? Baka napanood mo ang ibang bahagi ng pelikula at gusto mong ibahagi sa amin ang iyong naaalala...
Kung hindi naman at nais mong mapanood ang bahaging "Ang Lalaki sa Salamin", i-click mo lang ang salitang VIDEO sa ibaba ng pamagat ng blog na ito para mapanood ang palabas.

***No Copyright Infringement Intended***

Ping your blog