Tuesday, June 29, 2010

Remembering Palito


Ilang buwan na rin ang nakalipas nang magpaalam sa pinilakang tabing at sa kanyang mga taga-hanga si Palito. Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanya. Marahil, mabibilang ang mga pelikulang HINDI niya kinabilangan sa mga nagdaang dekada. Hindi man siya ang bida o kontrabida sa pelikula, natandaan, minahal at pinalakpakan si Palito.


Kanina, habang ako ay naghahanap ng mga litrato at videos na maari kong gawan ng akda, nakita ko ang blog ni Sir Dennis na nagbibigay pugay at umalala sa namayapang si Palito. Sobrang galing at ganda ng kanyang lathala at di ko naiwasang humagulgol ng iyak pagkatapos ko itong mabasa. Nais kong ibahagi sa inyo ang kanyang gawa upang lalu pa ninyong makilala ang artistang nagpatawa sa ating lahat--si Palito.


In Memoriam: Palito (1933 - 2010)





Ping your blog

No comments:

Post a Comment