thanks to oldvideoss for the upload

Isa ka ba sa mga kinilig sa kanila? Ang panahon ng 80's ay isa sa mga dekadang tinilian at minahal ang mga nabuong love teams. Isa na rito ang tambalan nina Aga Muhlach at Janice De Belen. Sino naman ba ang hindi mahuhulog sa mga cute na dimples ni Aga? Samantalang ang kakaibang ganda naman ni Janice ang kinahalinahan sa kanya ng mga gwapong binatang nakapaligid sa kanya.

Napanood ko pa ang Erpats Kong Forget sa mga cable channels sa TV. Di mo nga naman maitatanggi ang chemistry nang pareha ni Aga at Janice. Para sa akin ang ganda ng pelikula noong araw ay hindi lamang dahil sa ganda ng kaledad nito, mga gintong aral na nais ibahagi sa mga manonood at angking galing ng mga artistang nagsisiganap kundi nasa pagiging "natural" ng mga ito sa kanilang mga ginagampanang karakter.

Makalipas ang maraming taon, dahil sa isang interview na kailangang gawin Janice para sa S Files, nagkaharap ulit sila ni Aga. Panoorin natin ang kanilang muling pagkikita at tiyak kong kahit hindi ka nila tagahanga ay kikiligin ka sa kanilang muling pagtatagpo.
Photos courtesy of: video48 and all stars pics
Ping your blog
No comments:
Post a Comment