Tuesday, February 8, 2011

Halimaw 1987

link: click VIDEO to watch the movie
thanks to multo76 for the movie upload


Eto nanaman tayo! Isa nanamang pelikulang Pilipino na hindi maitatangging nakaaaliw at katuwatuwa. Ang pelikulang ito ay may dalawang segment, ang una ay ang Komiks na pinagbibidahan ni Ian De Leon at ang ikalawa ay Ang Halimaw sa Banga na pinagbibidahan naman ni Lotlot.

Nag-umpisa ito nang isang araw, ang dalawang magkaibigang si Kokoy (Ian De Leon) at Nonoy ay namasyal.

Natatandaan nyo ba ang lugar na iyan? Greenhills Shopping Center noong kapanahunan ng 80's.
Ang cute pa ng scooter ni Kokoy/Ian no? Motorbike pa ang tawag niya dyan! =)


Dumaan
muna sila sa McDonalds at kumain. Sa kanilang pagbalik, nakakita sila ng isang kaaya-ayang bahay at nakakatakot din.

Hindi naman napigilan ni Kokoy ang kanyang sarili at nagpasyang pasukin ang bahay. Wala namang nagawa ang kaibigan nito kundi sumunod na lang kay Kokoy.

Dito, sa loob ng nakakatakot na bahay, natagpuan ni Kokoy ang isang mahiwagang komiks sa loob ng isang mahiwagang kahon...

Dito na nagsimula ang lahat. Naaala ko tuloy ang panahon ng ako'y bata pa. Wala man kaming motorbike, gamit na gamit naman namin ang aming mga bisikleta. At tulad ng isa sa mga larawan sa itaas, napakaligtas pa noon ng paligid para sa mga batang gusto lamang mag-ikot ikot at mamasyal.

Ang bahay din ni Kokoy ay talaga namang simbolo ng kasaganahan noong 80's. Siyempre, mayaman naman si Kokoy pero ang tinutukoy ko ay yung itsura ng loob at labas ng bahay nila. 80's feel talaga at parang relax na relax ka.


Daddy of Kokoy played by Jaime "Jimmy" Fabregas and Mom played by Gina Parreno

O, eh ano pa ba ang hinihintay mo? Aba, eh sige panoorin mo na ito at nang maalala mo rin ang iyong kabataan. ;)

Ping your blog

1 comment:

  1. Talagang papanoorin ko ulet 'to! It gave me quite a scare the first time I watch it. As in "takot ako eh" talaga! That halimaw sa komiks no'ng nakarating na sa bahay nila Ian and that time na sisilip sa loob ng banga na alam mong may nangunguha ng bibiktimahin (it can compete with Sadako coming out of TV screen) :s

    ReplyDelete