thanks to beybies for the upload

Maraming batang batibot ang nalulungkot ngayon dahil sa pagpanaw ng isang pinakamamahal na kuya. Pumanaw noong Pebrero 12 si Kuya Ching, ang dyipni drayber na madalas ding dumaan sa Batibot.
Siya si Francis Anthony A. Arellano. Ayon sa aking nakalap, siya ay nagtapos ng high school sa St. James Academy sa Malabon at ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Pumanaw si Kuya Ching dahil sa heart attack.
Hangad naming lahat ang iyong katahimikan at kapayapaan, Kuya Ching! Salamat sa mga itinuro at ibinahagi mo sa amin nung kami'y maliliit pa. Hindi ka namin malilimutan. Ikaw lang ang nag-iisa naming Kuya Ching!
Ping your blog
0 comments:
Post a Comment