Saturday, December 19, 2009

Royal Tru Orange

link: click VIDEO to watch this tv ad. =]
coutersy of youtube Thanks to jasonmagbanua for uploading the video.

Joey!!! Sikat na sikat ang batang si Joey nung 80's dahil siya ang bida sa lahat ng tv ads ng Royal Tru Orange. Ang isa sa mga ito ay ng si Joey ay inutusan ng nanay niyang bumili ng mantika sa tindahan. Siyempre, tulad ng kahit sinong bata noong 80's, bike ang inaatupag niya kaya naman anong inis na lamang nito ng mautusan. At tulad din ng isang bata noong 80's, sumunod naman agad ito at tumungo sa tindahan. Kaya nga lang, sa di kalayuan, natanaw ni Joey ang mapang-asar na si Jake. Tulad ng mga pinoportray na bullies noon, malaki at malusog na bata si Jake at mukha nga namang buskador. Ano pa nga bang nangyari, eh nang batiin ni Jake si Joey tinanong nito kung ano ang bibilhin niya..."Ah, eh royal tru orange!" Mayamaya'y inabot kay Jake ang binibili nito--BAGOONG. Napahiya si Jake at dali dali ng umalis. Nang tanungin si Joey kung ano ang nais nitong bilhin, "Aling FLor, MANTIKA nga po!" pagmamalaking sabi ni Joey. =)
"Ako at Royal..Natural!" ang catchy melody ng tv commercial na ito. Umpisa lamang ito ng serye ng RTO commercials na pinagbibidahan ni Joey. Sa mga sumunod ay naipakilala rin ang kanyang nakababatang kapatid na si Trixie at ang kanyang first crush na si Jenny.

1 comment: