Showing posts with label Nida Blanca. Show all posts
Showing posts with label Nida Blanca. Show all posts

Sunday, December 20, 2009

John en Marsha

link: click VIDEO to watch
Thanks to happyslix for the upload
Guests: Jon Jon Hernandez & Nadia Montenegro

John en Marsha..pati si Shirley at si Rolly...sinong pamilyang pilipino ang hindi tumutok at sumbaybay sa palabas na ito na sumasalamin sa ordinaryo at tipikal na pamilyang pilipino? Naging pamilya para sa lahat ang Pamilya Puruntong. Lahat ng Tatay ay nakaka-identify kay John na nagsusumiskap, sa kabila ng hirap ng buhay, na itaguyod ang kanyang pamilya. Hindi rin makakaila na ang mga antics ni John at ng kanyang biyenan na si Donya Delilah (Dely Atayatayan) ay siya ring nagbibigay saya sa mga manonood. Ang anak nilang si Shirley (Maricel Soriano) ay kumakatawan din sa bawat dalagang pilipina noong panahon ng 80's. Ang kuya niyang si Rolly (Rolly Quizon) ay tipikal na kuya, mapagbigay, mapagmahal at masunurin sa magulang. Naaalala nyo pa ba si Matutina(Evelyn Bontogon-Guerrero), ang katulong ni Donya Delilah na pagkatinis ng boses? At siyempre si Marsha, ang anak ng mayamang si Donya Delilah at ang mabait na ina at asawa sa pamilya Puruntong. Halos lahat ng episodes ng palabas na ito ay kapwa kaabang-abang at mahirap kalimutan. Minsan nang nag guest dito sina Ding Dong Avanzado at Dawn Zulueta. Nakakatawa rin ang guesting ni Nadia Montenegro at Jon Jon Hernandez dahil nagtangka pa ni Shirley na maka-iskor kay Jon Jon. Nag guest din dito ang macho gwapito na si Mr. Rico J. Puno kasabay si Gretchen Barreto. Nag guest din dito ang komedyanteng si Jimmy Santos. At siyempre, pwede ba namang hindi mag guest dito ang isa na matalaik na kaibigan ni Pidol na si Panchito Alba? Ang lola ko ang mahilig manood nito. Dahil tuloy sa palabas na ito hinding hindi ko makakalimutan ang parating dialogue ni Donya Delilah "Kaya ikaw John, magsumikap ka!" na siya ring mga linyang nagsasabing ito na ang katapusan ng palabas ngayon araw. Pati sa aming bahay ay naging biruan ito. Kapigura pa naman din ng aking lola si Donya Delilah! Nagkaroon din ng ilang pelikula ang John en Marsha at isa na rito ang John en Marsha sa Amerika. Mapa-tv o sine, sinuportahan ng mga manonood si John at ang kanyang pamilya sa pagharap sa buhay. Napamahal ang bawat karakter ng palabas na ito sa manonood at itinuring na rin parang pangalawang pamilya ang bawat miyembro ng pamilya ni John Puruntong. Ang palabas na ito ay nagkaroon na ng lugar sa puso ng bawat pilipino. Di matatawaran ang saya at ligayang naibahagi ng pamilya Puruntong sa atin.

Blog and ping

Family Tree

link: click VIDEO to watch MOVIE
thanks to multo76 for the upload

Ito ay tungkol sa isang pamilya na hindi naman gaanong nakakaangat sa buhay. Ang mag-asawa sa palabas na ito ay si Fidel (Luis Gonzalo) at Nitang (Nida Blanca) na sumasalamin sa isang tipikal na pilipinong mag-asawa. Ang naaalala ko dito sa palabas na ito ay ang mahiwagang puno sa likod ng kanilang bakuran na namumunga ng pera. Mayroon ding kotse (volkswagen) na nagsasalita, tila Filipino adaptation ni Herbie. Anak nila dito si Edwin (Francis M) at Rose Ann Gonzales (Ling-Ling). Nabibilang din sa cast na ito sina Nadia Montenegro (Cathy), Manilyn Reynes (Bessie), Michael Locsin (Mark)at Chukcie Dreyfuss (John).
Dahil sa may talking beetle (volkswagen) dito, gustung gusto ko ito bilang bata dahil mayroon din kaming volkswagen na ginagamit sa pang araw-araw noon. Yun nga lang minsan, dahil nauso, may maririning ka na lang na biglang sisigaw ng PENDONG tapos may makikita ka biglang nagpi-PEACE SIGN! Crush ko rin kasi si Francis M noon. Cute kase siya at baby face. Sadly, he already passed away. Sana ang ating mga direktor at producers ngayon ay gumawa pa ng ganitong klase ng pelikula. Light pero entertaining and may family values. Kahit papaano nakapagbibigay pa rin sila ng saya dahil naibabalik ka nito sa mga panahong simple at masaya ang buhay =]