Showing posts with label herbert. Show all posts
Showing posts with label herbert. Show all posts

Tuesday, December 22, 2009

Captain Barbel

link: click VIDEO for MOVIE PLAYLIST
Thanks to LyoniaMariana for the upload

Talagang naging sikat na artista si Herbert Bautista noong 80's. Sa dami ba naman ng pelikulang kanyang pinagbidahan at ginanapan ay naging isang household name ang kanyang pangalan. Ayon na rin sa kanya, nang matapos nilang gawin ang Bagets ay naramdaman niyang mag-iiba na raw ang takbo ng kanyang buhay. Tunay ngang nag-iba ang buhay ni Herbert. Mula sa pagiging isang anak ng isang batikang direktor (Butch Bautista), naging isang sikat na teen star siya. Ilan sa kanyang mga nakapareha ay si Lea Salonga na ngayo'y isa na ring sikat na broadway performer. Sa pelikulang Captain Barbel nakasama niya ang ilan pa sa mga bigating stars noon na sina Edu Manzano, Sharon Cuneta, Nova Villa, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie at marami pang iba. Siya ang simpleng si Tengteng na umiibig kay Rose (Lea Salonga) na pamangkin ng may-ari ng karinderyang si Aling Tinay (Nova Villa). Pinsan ni Rose dito si Yoyong (Dennis Da Silva). Ang maestro naman ni Tengteng na siyang nagkaloob sa kanya ng mahiwagang barbel ay si Leroy Salvador, ang ama ni Joebel Salvador na siyang nakapareha ni Herbert sa Bagets. Ngayon isa nang pulitiko si Herbert Bautista. Matagal din siyang nagsilbing Vice Mayor ng Quezon City.
Madalas pa rin itong naipapalabas sa mga cable tv tulad ng PBO at CinemaOne. Talagang hindi malilimutan ng sinumang bata ang pelikulang ito.


***No Copyright Infringement Intended***
Ping your blog

Sunday, December 20, 2009

Ninja Kids (The Phantom Force)

link: Click VIDEO to watch
thanks to tuklaw74 for uploading a video

After the smashing hit Bagets, the cast of the iconic movie hit the pinoy theatres once again. Getting into the grove of ninja kicks and ninja stunts, Herbert Bautista (Dodo), JC Bonnin (Anton), Francis M (Tone) and Ramon Christopher (Ninja 3), entertained the filipino audience of the 80's once more. William and Aga were not in this film and I assumed it's because Aga found a promising solo career while William found his in his team up with Maricel. Along with Herbert and other co-bagets stars, Dennis Da Silva (Kenneth), Ricky Rivero (Charlie) who is very much active behind the camera at present and singing sensation of the 80's Keno (Louie) also graced the movie. Having ninja as the central theme of the movie, the likes of Protacio Dee (Naguchi) and Ernie Ortega, as the master of the ninja kids, gave the movie an aura of japanese ninja vibe. Rising teen stars Mia Prats (Mariko) and Lea Salonga (Yoko) served as love interests to the boys. Elizabeth Oropesa (Lotus), the main villain of the story, also joined the cast and delivered as well.
The story in summary is about teenaged boys who were enjoying their adolescent years. As they follow along a group of girls who were under the strict supervision of a very familiar 'teacher' (played by Mely Tagasa) and students of an exclusive all girls school they've used all their wits and tricks just to be able to make their moves to these girls. As they explore the possibilities of romance with the girls, they got entangled with ancient charms and time holes and without their knowing they were obliged to find and return a magic samurai sword. Having met a sensei whom they refer to as Master, they were trained and given incredible strength and powers in order to fulfill their mission. What is memorable in this movie is the Higante appearing at the end part when our ninja heroes thought that they had successfully done their mission.
The movie soundtrack also had its share of fame as being a hit song of the 80's. Sang by one of the characters, Keno made the top charts with the song "You've Got The Power" that is, for me, really suited the movie. Kids and teens at that time really got hooked with the song and often associate the tune to the movie in an instant. The movie indeed boosted the careers of the teen cast and it helped them get more movie projects after. They released a vcd copy and dvd copy, i think, last year. Check out your local video stores if you want one.

***No copyright infringement intended***

Since I've been dying for years looking and searching the internet for a video or video clips of this very entertaining movie, but no avail, I was finally rewarded by being able to record some bits of it through my digi cam. The quality is not that great but I hope you'll appreciate the effort... enjoy!

Saturday, December 19, 2009

BAGETS

link: click Bagets 1, Bagets 2 to watch


Ang Bagets, ang parang "Breakfast Club" ng Pilipinas. Sa pelikulang ito isinilang ang ilan sa mga bigating stars noong dekada otsenta. Sino nga ba ang hindi makakarelate sa mga kabataang dumadaan sa adolescence, first love, first heartbreak, family issues at siyempre mga pangarap na nais matupad.

Nag-umpisa ang kwentong ito sa Bagets, ang unang installment ng movie, kung saan bida ang limang kabataan na sina Adie (Aga), Tonton (William), Tofee (JC Bonnin), Arnel (Raymond Lauchenco) at Gilbert (Herbert Bautista). Ang setting ay habang sila ay nasa highschool. Dahil may kanya-kanyang kakulitan sina Adie, Arnel, Gilbert at Toffee, na-kickout sila sa kanilang eskwela sa kanilang ikatlong taon. Buti na lang at nailipat sila sa isang eskwelahan na tumatanggap ng estudyante kahit nasa 4th year na. Ito ay sa tulong ng nanay ni tonton (pinsan ni Toffee).

Nagkaroon ng pananalamin sa totoong buhay sa pamamagitan ng mga kani-kaniyang problema ng bawat karakter sa pelikula. Si Tonton ay umibig kay Rose (Yayo Aguila) ngunit dahil sa kayabangan ay pumanaw ang kasintahan, resulta ng pakikipagkarera ng kotse. Si Adie naman ay umibig kay Ivy (Baby Delgado), isang sorority sister ng nanay niya (Celia Rodriguez)noong nasa college. Nakaranas din ng unang pag-ibig si Toffee kay Christine, isang flight attendant na di hamak na matanda kaysa sa kanya. At si Gilbert naman ay lubhang naapektuhan sa inaasal ng kanyang ama (Herminio "Butch" Bautista, ang tatay ni Herbert sa totoong buhay) na mas pinipili pang gamitin ang pera sa pagpunta sa mga massage parlors kaysa ibigay para sa pamilya. Dito ay love interest ni Gilbert si Melissa (Joebel Salvador) na sinagot siya noong graduation ngunit umalis din patungong Davao dahil doon na-aassign ang erpats nya. Si Arnel naman,ang pinakamayaman sa barkada at anak ng isang sosyal na ina (Rose Marie Gil), ay nahirapan sa kanyang relasyon kay Janice (Eula Valdez) na may pagka-iskwater at "cheap".
Sinundan naman ito ng Bagets 2, kung saan ang limang bidang binata ay nakakilala pa ng iba pang kaibigan habang bakasyon. Dahil nga sa sinapit ng unang pag-ibig ni Tonton kay Rose, sinabi nitong kailangang gugulin nila ang kanilang buhay sa mas makabuluhang bagay. Kaya naman ng bakasyon nila ay naghanap sila ng trabaho. Dito nila nakilala si Ponce (Francis M) aka Pawnshop na di sinasadyang nagkagusto rin kay Glenda na na halos matagal na ring pinopormahan ni Gilbert. Si Toffee naman ay nakahanap ng seryosong pag-ibig kay Emerie, isang probinsyanang nangangarap maging isang Sharon Cuneta, na inakala naman niyang sinusulot ni Micky (Ramon Christopher). Si Gilbert naman ay nakatagpo ng puppy love kay Ruth (Cheska Inigo), ang balikbayang pinsan ni Toffee. Interesting din ang character ni Wally (Jonjon Hernandez), pinsan ni Gilbert na isang semenarista ngunit nagdadalwang isip sa kanyang pagpapari. Talagang riot ang second installment ng Bagets dahil sa mga love triangles and not to mention ang pagtangkang pagpikot kay Tonton ng isang probinsyana.



Talagang masaya ang pelikulang ito. Pinanood, di lamang ng mga kabataan, ngunit ng mga magulang rin noong 80's.








***No copyrights infringement intended***

Related Article from other Blogs: The Swank Style: Yellow Wristbands, orange Chucks