Showing posts with label william martinez. Show all posts
Showing posts with label william martinez. Show all posts

Saturday, December 19, 2009

Inday Bote

link: click the TITLE for the VIDEO
courtesy of VSPRODUCTION

One of the hottest couples of the 80's starred in this fantasy movie. With the tandem of Maricel Soriano (Inday) and William Martinez (Greggy), they have entertained the audience of the eighties with this light-hearted comedy/fantasy film, Inday Bote. This is a story about a simple girl named Inday (Maria) who is madly and deeply inlove with a young lad whom she dearly calls Greggy (William). Inday and her brother are both orphans and are staying with their strict aunties. They were forced to do dyaryo-bote-garapa as their work in return of their auntie's feeding and shelter.
But destiny has something even bigger for Inday. Having a pure and kind heart, Inday and his brother helped an old lady beggar whom they happen to stumble upon when they were both arguing over hilaw na mangga that Inday bought. Inday offered the mangga to the old lady instead after knowing that she hasn't eaten yet. Her good gesture was indeed repayed by the beggar by handing her a bote that said to be useful in times of need. At first, Inday thought that she could make use of the bottle by selling it along with her bote-garapa. But since no one wants to buy it, she ended up keeping the bote.
Unbeknownst to Inday, inside the bote are duwendes (Nova Villa, Chichay, Dely Atayatayan, Roderick Paulate, Palito, Balot & Max Alvarado) who are just waiting for someone to rub the bote for them to be freed. The duwendes and Inday along with her brother embark in adventures and magic. In this movie, new actor Richard Gomez, was introduced. He played a rich, inglesero, handsome guy whom Inday met when his car almost hit Inday and her brother. This movie is indeed an epitomy of a classic 80's fantasy movie. A copy is available at Regal Film's website.







link for the VIDEO: Part 2 of Inday Bote
courtesy of VSPRODUCTION
***No copyright infringement intended***

BAGETS

link: click Bagets 1, Bagets 2 to watch


Ang Bagets, ang parang "Breakfast Club" ng Pilipinas. Sa pelikulang ito isinilang ang ilan sa mga bigating stars noong dekada otsenta. Sino nga ba ang hindi makakarelate sa mga kabataang dumadaan sa adolescence, first love, first heartbreak, family issues at siyempre mga pangarap na nais matupad.

Nag-umpisa ang kwentong ito sa Bagets, ang unang installment ng movie, kung saan bida ang limang kabataan na sina Adie (Aga), Tonton (William), Tofee (JC Bonnin), Arnel (Raymond Lauchenco) at Gilbert (Herbert Bautista). Ang setting ay habang sila ay nasa highschool. Dahil may kanya-kanyang kakulitan sina Adie, Arnel, Gilbert at Toffee, na-kickout sila sa kanilang eskwela sa kanilang ikatlong taon. Buti na lang at nailipat sila sa isang eskwelahan na tumatanggap ng estudyante kahit nasa 4th year na. Ito ay sa tulong ng nanay ni tonton (pinsan ni Toffee).

Nagkaroon ng pananalamin sa totoong buhay sa pamamagitan ng mga kani-kaniyang problema ng bawat karakter sa pelikula. Si Tonton ay umibig kay Rose (Yayo Aguila) ngunit dahil sa kayabangan ay pumanaw ang kasintahan, resulta ng pakikipagkarera ng kotse. Si Adie naman ay umibig kay Ivy (Baby Delgado), isang sorority sister ng nanay niya (Celia Rodriguez)noong nasa college. Nakaranas din ng unang pag-ibig si Toffee kay Christine, isang flight attendant na di hamak na matanda kaysa sa kanya. At si Gilbert naman ay lubhang naapektuhan sa inaasal ng kanyang ama (Herminio "Butch" Bautista, ang tatay ni Herbert sa totoong buhay) na mas pinipili pang gamitin ang pera sa pagpunta sa mga massage parlors kaysa ibigay para sa pamilya. Dito ay love interest ni Gilbert si Melissa (Joebel Salvador) na sinagot siya noong graduation ngunit umalis din patungong Davao dahil doon na-aassign ang erpats nya. Si Arnel naman,ang pinakamayaman sa barkada at anak ng isang sosyal na ina (Rose Marie Gil), ay nahirapan sa kanyang relasyon kay Janice (Eula Valdez) na may pagka-iskwater at "cheap".
Sinundan naman ito ng Bagets 2, kung saan ang limang bidang binata ay nakakilala pa ng iba pang kaibigan habang bakasyon. Dahil nga sa sinapit ng unang pag-ibig ni Tonton kay Rose, sinabi nitong kailangang gugulin nila ang kanilang buhay sa mas makabuluhang bagay. Kaya naman ng bakasyon nila ay naghanap sila ng trabaho. Dito nila nakilala si Ponce (Francis M) aka Pawnshop na di sinasadyang nagkagusto rin kay Glenda na na halos matagal na ring pinopormahan ni Gilbert. Si Toffee naman ay nakahanap ng seryosong pag-ibig kay Emerie, isang probinsyanang nangangarap maging isang Sharon Cuneta, na inakala naman niyang sinusulot ni Micky (Ramon Christopher). Si Gilbert naman ay nakatagpo ng puppy love kay Ruth (Cheska Inigo), ang balikbayang pinsan ni Toffee. Interesting din ang character ni Wally (Jonjon Hernandez), pinsan ni Gilbert na isang semenarista ngunit nagdadalwang isip sa kanyang pagpapari. Talagang riot ang second installment ng Bagets dahil sa mga love triangles and not to mention ang pagtangkang pagpikot kay Tonton ng isang probinsyana.



Talagang masaya ang pelikulang ito. Pinanood, di lamang ng mga kabataan, ngunit ng mga magulang rin noong 80's.








***No copyrights infringement intended***

Related Article from other Blogs: The Swank Style: Yellow Wristbands, orange Chucks